Tuesday, June 7, 2016

LGBT Hatred : Pinatay na Transgender

Habang kausap ko ang friend ko sa sa video chat ay nabanggit nya sa akin ang balitang kumalat recently tungkol sa isang Pinay tranny (transexual.) Nakakabahala ang mga ganitong bagay lalo na at laganap ang hatred ng mga taong makikitid ang utak sa mga kabaro kong LGBT. Tinanong ko sa friend ko kung ano ang motibo ng killer at bakit naisipan nyang gawin ang karimarimarim na krimeng yon! Isang Chinese national na turista ang suspek at sa ngayon ay himas rehas ang peg ng demonyo! Pero binigyan ako ng link para mapanuod ko ang buong video ng balita kung saan headline pa ito sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol.



Ang nakakaloka ay ang paraan ng pagkakaligpit ng killer ng bangkay ng transexual na ang pangalan ay si Ashley Ann. Isinilid sa maleta sabay itinapon sa expressway. May saksak daw sa leeg ang transexual at may mga sugat sa ulo. Sa paraan ng kamatayan ng biktima ay tila may malalim na galit ang kanyang killer sa kanya. But the reason behind the killing? No one knows.

Habang binabasa ko ang mga comments ng ibang mga netizens na utak pandesal ay parang tuwang tuwa pa sila na may namatay na myembro ng LGBT. Sabi ng iba ay mabuti daw at pinatay dahil niloko lang daw nya ang kanyang boyfriend at malamang daw ay nagpanggap na babae. Ang sabi naman ng iba ay tama lang ang ginawa ng kanyang boyfriend dahil labag naman daw sa kautusan ng diyos ang magpalit ng kasarian.

Well, listen up, motherfuckers! Sa tingin nyo, kung tama ang ginawa ng boyfriend nya bat sya nakakulong ngayon? Bat hinihimas nya ang rehas sa mga oras na ito kung tama ang ginawa nya? Wag nyong idinidikit ang diyos sa mga katwiran nyo, dahil kahit diyos nyo hindi pinahihintulutan ang pumatay ng tao. Kung hindi ba naman kayo mga bobo at tanga!

Walang nakukulong sa pagiging bakla, tomboy, bisexual or transexual. Kulong ang parusa sa salanag pagpatay at dahil si Duterte na ang ating pangulo, pwedeng parusang kamatayan ang maging kaparusahan ng Chinese national na pumatay sa kabaro ko!

Kung sakaling niloko nga ni Ashley Ann, gaya ng sinasabi ng ibang tangang netizens, ang kanyang boyfriend at nagpanggap na babae, hindi naman yon sapat na dahilan upang patayin sya dahil para sakin, ito ay napakababaw na dahilan.

Sana mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Ashley Ann at sana maparusahan ang dapat parusahan. Kung parusang kamatayan ang kailangang ipataw na parusa sa pumatay sa kanya, hindi ako tututol. Para sa hustisya ng kapwa ko LGBT member!

***Photo courtesy of news.abs-cbn.com