Kalat na kalat ngayon sa mga balita ang hindi pag apruba ni President Noynoy Abnoy Aquino sa panukalang magpapataas ng sahod ng mga nurses sa Pilipinas. Ayon sa consolidated House Bill no. 6411 and Senate Bill No. 2720, pag ito ay ginawang batas ay aabot sa halos 25,000 pesos ang magiging sahod ng isang Filipino nurse. Kung ating iisipin, disenteng sahod na ito at sapat na para mabuhay at mapakain ang isang pamilya, pero dipende pa rin yan sa pangangailangan.
Hindi ito inaprubahan ng pangulo nyo dahil daw sa maaaring idulot na mga financial implications at mga cases tulad ng downsizing ng mga hospitals. Bukod dito ay maaapektuhan daw ang health sector ng gobyerno financially. Wage distortion daw sabi ng pangulo nyo ang maaring mangyare, hindi lang sa mga health professionals pero pati na rin sa ibang mga professionals sa gobyerno.
Jusko ha. Sa laki ng ibinabayad na tax ng mga taxpayers, bat di magawang isubsidize ng gobyerno ang mga pasahod ng mga nurses? Oo, malaki ang magiging implikasyon nito, pero kung iisipin nyo, ang dami namang budget na inaallocate ng gobyerno sa mga walang kakwenta kwentang bagay diba? Bakit hindi na lang iallocate yung ibang budget sa healthcare kasi mahalaga ito dahil buhay ng tao ang nakasalalay dito e. At kayo mismong mga taga gobyerno ang naguudyok sa mga nurse na manatili sa Pilipinas para pagsilbihan nila ang ating mga kababayan, imbes na lumipad sa ibang bansa para magpaalila sa mga foreigner. Gustuhin man nilang manatili dito, pero mamamatay sila sa gutom dahil sa kakaramput na pasahod ng mga nurses and at the same time they are overworked.
Hindi ako nurse, pero marami akong kakilalang nurse at mahirap ang trabaho nila. Pero hindi mabigyan ng gobyerno ng hustisya ang kanilang pagod at sakripisyo. Noynoy, hanggang sa mga huling araw ng iyong panunungkulan, sakit sa dibdib ang ibinigay mo sa mga Filipino nurses. Pinag-isipan mo ba talaga ng mabuti yang desisyon mo? Kung san san kasi napupunta yung mga budget ng gobyerno, hindi ko na kailangan pang sabihin dahil obvious naman kung san ang patutunguhan ng mga buwis namin. Buwisit ka!
Marahil ay hindi na mababago pa ang desisyon ng pangulo nyo. Kaya kung may aangal man sa inyong mga Filipino nurses, asahan nyong ang sasabihin sa inyo ng pangulo nyo "magsilayas kayo dito sa Pilipinas."
Tama, kung nasaan ang oportunidad, push nyo yan. Wala kayong mahihita dito sa Pilipinas kundi puro hirap at dusa. Hangga't nakaupo sa pwesto yang pangulong Noynoy nyo, wala kayong mapapala dito.
Mabuhay kayo mga kababayan kong mga nurses!
No comments:
Post a Comment