Tuesday, May 31, 2016

Pagtatapos ng Summer

Summer. Ang salitang kinasasabikan ng mga mag-aaral. Summer ang panahon kung kelan malaya sila mula sa mga gawain sa eskwela, mga homework, projects, etc. Ito ang panahong nakakapagbakasyon sa iba't ibang lugar ang ating mga bagets at kung kelan nakakapagbabad sila sa beach. Pero para sa mga walang budget, syempre, staycation at pa-Facebook Facebook na lang diba? Apparently, ito rin ang panahon kung kelan matindi ang sikat ng araw at napakainit ng klima.




 Tuwing May 31, or a few days before May 31, nagaganap ang kaliwa't kanang mga end of summer parties sa mga resorts, at kahit saang lugar na pwedeng magtipon tipon ang mga tao para magsaya. Which reminds me of the recent Closeup Summer Party which turned out to be a very tragic even as a number of people died in the said event. Kung anuman ang dahilan, hindi ko masyadong nakuha yung mga details, but I think it was drug related so kung gusto nyo pa ng details e may kalaayaan naman tayong gumamit ng Google.


Tandang tanda ko nung ako'y nasa aking childhood stage. Nakikipaglaro ako sa aking mga kapitbahay. Kung anu ano na lang ang mga larong naiisip namin. Nariyan ang patintero, tumbang preso, habulan, base to base, etc. Pero pagsapit ng dilim, dahil pagod na sa kakatakbo at kahit na basang basa na ng pawis ang likod, pumupunta kami sa isang damuhan sa village namin at dun sa damuhang yon kami nagkekwentuhan ng kung anu anong mga bagay, may katuturan man o wala. Pero ang madalas na nagiging paksa ng aming mga kwento ay tungkol sa mga kahilahilakbot na mga napapanood namin sa telebisyon at yung mga horror stories. I don't know but we always found pleasure of sharing scary stories.

At ang eksena pag uwi sa bahay? Paghuhugasin ako ng paa ng aking madir nung sya ay nabubuhay pa dahil napakadumi ng aking paa gawa ng pakikipaglaro sa mga friendships ko nung ako'y bata pa.

Ang sarap lang sariwain ng mga araw na nagdaan, kung kelan wala ka pang iniisip na bills na babayaran, yung time na wala kang ibang iniisip kung ano ang mga larong lalaruin mamayang hapon, yung mga ganun. I guess it's just being part of an adult, and I've reached the status of being a matured individual.

Monday, May 30, 2016

Ang Kabogerang si Badjao Girl

Recently ay kumakalat sa social media ang isang muka ng batang babaeng namamalimos sa lansangan ng Metro Manila. Hindi ordinaryo ang aura ng kanyang fezlak, at hindi ito ang tipikal na itsura na makikita mo sa isang nanlilimos. Ang impression kasi ng karamihan sa atin na kapag may nanlilimos, sila yung mga karaniwang gusgusin, marumi ang mukha, di kaaya aya ang itsura. Ganern!

Nang makita ko sa Facebook ang muka ng batang babaeng nanlilimos ay napatitig ako. Ewan ko kung dahil ba sa quality ng pagkakakuha ng litrato o dahil sa kanyang peculiar aura. Kahit sang anggulo mong tignan, biniyayaan ng napakagandang itsura ang batang ito.












Ayon sa aking intensive research sa Google.com, ang pangalan ng batang ito ay si Rita Gabiola. Base sa aking napanood sa interview nya with Korina Sanchez, ang pamilya ni Rita ay taga Mindanao, at lumipat sila sa Luzon upang makipagsapalaran. Base din sa aking napanood ay nakatira ang pamilya nya sa isang barong barong at marami silang magkakapatid.

Pangarap ng batang si Rita na maging isang teacher, para matulungan nya ang mga kapatid at magulang nya, pati na rin ang kanyang mga ka-tribo. Nang kumalat sa social media ang kanyang litrato, ang lokal na pamahalaan kung san nakatira ang pamilya ni Rita ay handang tumulong sa kanyang pamilya upang mabigyan sila ng maayos na kabuhayan.

Bagama't maganda ang hangarin ng mga handang tumulong sa kanya para makapagtapos sya ng pag-aaral, may bumabagabag sakin. Kung hindi sya nakunan ng litrato ng isang random photographer ay makakatanggap kaya sya ng tulong mula sa mga taong handang tustusan ang kanyang pag-aaral? Mabibigyan din kaya ng kabuhayan ang kanyang ama para maitaguyon nya ang kanyang pamilya? Malamang hinde.

You need to have a good looking face and a demeaning kind of job para sumikat at pagkaguluhan, where in fact, the fame that badjao girl is enjoying at the moment might be just the usual 15 minute fame like what happened to Carrot Man and others. Well swerte na lang talaga nila because they got the looks! Pero kung sakaling pinanganak na pangit si Badjao Girl or Carrot Man, sa tingin nyo bubuhos lahat ng tulong sa kanila at maaabot kaya nila ang kasikatang kanilang tinatamasa ngayon? Sana matulungan din natin ang mga taong mas higit na nangangailangan ng tulong ano po?

Anyway, Badjao Girl has had a recent make over and here are some of her photos from her photoshoot. Pak Pak Pak Mowdeling!

















Good luck Badjao Girl, and I wish you all the best!

***All photos taken from Google.com

Sunday, May 29, 2016

Mga Nakakairitang NBA Bandwagoners!

It's the time of the year again when most Filipinos suddenly become a fan of NBA kahit na wala naman silang alam sa basketball at wala naman silang alam sa mga basketball teams na kalahok sa naturang basketball game. Personally, wala akong kaalam alam tungkol sa basketball syempre kasi hindi naman ako naglalaro nyan. I never liked and will never like basketball, and the reason? I just don't like it. Hindi ko feel. Kung manonood man ako ng basketball, sa mga nagagwapuhan at mga nagtatangkarang mga players lang nakatuon ang aking atensyon (ang lantod!)

Bata pa lang ako ay hindi na talaga ako inclined sa mga sports na yan (in general) dahil ni minsan e wala talaga akong ganang sumali sa mga palaro, lalo na sa school. Ang alam kong mga activities na sinalihan ko noon ay mga general information quiz at mga essay writing contests. Naaalala ko noon na ineencourage pa ako ng aking madir na sumali sa mga sports at extra curricular activities sa paaralan, pero mas focused ako sa pag-aaral at kung wala namang dapat pag-aralan e sa mga kaibigan ko na kapitbahay ko at the same time ako pumupunta at nakikipaglaro gaya ng patintero, habulan, etc. Hindi naman sa outcast ako nung ako'y bata, it's just that, I preferred playing with a small group of kids. Yun bang tatlo hanggang anim lang kaming naglalaro. Well anyway, it's more of my personality side that I'm talking about here at medyo nalilihis na rin ako sa topic na dapat kong isulat ngayon!



So, let me get things straight. I am totally annoyed with NBA Bandwagoners. You know who they are? Sila yung mga non NBA/basketball fan na sa isang iglap e bigla na lang nagiging fan lalo na pag NBA finals season na! Yun bang nakikiride on sila kung ano sa tingin nila ang uso sa NBA, kung ano ano yung mga teams na malamang sa malamang e never talaga nilang alam. Nalaman lang nila nung sinimulan na nila ang "bandwagoning". These group of people suddenly become fans overnight when a particular basketball team performs well in the game. Napapansin ko to lalo na sa mga "social climbing" Filipinos na ayaw na ayaw napagiiwanan sila. Na kelangan up to date din sila sa mga bagay na kinaaaliwan ng mga legitimate elite/rich people, para naman at least maramdaman din nila kung pano nga ba talaga umasta ang tunay na rich, at kung anu ano ang pinagkakaabalahan ng mga tunay totoong mayayaman sa kanilang free time. Aasta silang kala mo marunong sa NBA at alam ang lahat ng rules ng game, para sabihin ng mga taong "ayyy, NBA fan. Sosyal!"

Of course I'm not saying that watching NBA and becoming a fan of it are hobbies of the rich/elite people, it's just that, many Filipinos, who have very little knowledge about NBA games, tend to jump the bandwagon, and I mean what annoys me, is when they gather around, congregate in a particular area where there is a television and a live NBA finals game is being shown, these bandwagoners jump and scream for joy as if they know who they're screaming and yelling for. As if they've got any clue the name of the person they're cheering for if let's say that person scores a 3-point shot.

Kakastress!!



Another instance is in the workplace. Yun bang feeling na ikaw ay walang alam sa NBA at yung mga kasamahan mo sa trabaho ay never namang napag-usapan ang NBA for once, tapos bigla na lang magkakaron ng topics about the NBA finals brouhaha, OKC, Golden State crapshit at kung anu ano pang terminologies na jargon para sakin. Yun bang mag-oopen up sila ng topic tapos may ganitoong eksenang sasabihin ni Employee A "OMG I can't wait for the NBA finals" tapos agad namang tutugunan ni Employee B na "Yeah, which team you're rooting for to win?" sabay sasagot si Employee A "MEEE-YA-MI heat." "Oh yeah, I like their team too." End of conversation, kasi wala na silang ibang masabi pa kasi ni isa sa mga players hindi nila kilala.

Dumbfuck, it's not MEE-YA-MI by the way, it's MAH-YAE-MI. That's how you pronounce the word Miami. (kasi kung nanonood ka talaga ng NBA ay hindi ganyan ang pagkakabigkas mo ng salitang Miami, nyeta ka!)

 And after the NBA finals game, guess what, the bandwagoning festivities just naturally die down, and everyone begins to forget about the NBA, as if nothing happened after all the screaming and yelling. These NBA bandwagoners will become NBA fans again once the NBA finals season begins, and will then cheer for a basketball team they've never heard of.

To sum everything up, may karapatan kang makisabay sa uso ng NBA kung alam mo ang laro ng basketball, kilala mo ang mga teams at members na kalahok nito, kung alam mo ang sistema ng games ng NBA, at kung ikaw ay talagang hardcore basketball fan.

Kasi kung ikaw ay isang hamak na bandwagoner lang e pampasira ka ng araw.

Saturday, May 28, 2016

Solenn Heussaff and Nico Bolzico tie the knot!

It might be too late for me to post some of their photos because it has been like almost a week since they both got married. Anyway, huli man daw at magaling, ay huli pa rin! I just wanted to share some of their wedding photos.







To Solenn, my bestfriend (charing!) best wishes sayo teh!

***All photos taken from Google.com

The Lugaw Queen Wins : Leni Robredo wins Vice Presidency

Una sa lahat, nais ko lang icongratulate ang bagong bise presidenteng si Leni Robredo sa kanyang pagkapanalo. Na-achieve din ng hitad ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa ating bansa, salamat sa tulong ng pagbebenta ng lugaw at halo halo para makalikom ka ng perang ginastos mo sa kampanya. Daang milyong piso daw ang kinita ng mga supporter at kamag anak ni Robredo sa pagbebenta lang ng lugaw at nakatulong daw yon ng malaki sa campaign funds ng gaga! Kaloka ka teh!

Baka ganito kaganda ang presentation
ng lugaw na inihain ng mga suporters
nya. Oo nga naman, mukang mamahalin!












Bobotantes will remain as bobotantes. Wala akong ibang dahilan na pwede kong maisip, it's all about sympathy votes and that's all there is to it. Namatayan lang ng mister, agad ng kinaawaan ng mga Pilipinong kalahi ni Bobita Rose. Umani ng simpatya ang Merry Widow in black, este yellow pala!


Leni Maperang Mapera con todo benta Lugaw
y Ambisyosa Viuda de Impostora











Sana lang, wag mong isabotahe ang administrasyon ni Duterte dahil oras na ginawa mo yan teh, magagalit sayo ang sambayanan! May paflip hair flip hair ka pang nalalaman dyan!

Baka masabunot ka ng di oras!



Katotohanan : Ang impyernong buhay sa Call Center

Gaya nga ng sabi ko sa nauna kong blog post ay ibabahagi ko sa inyo ang aking mga dahilan kung bakit ko nilisan ang mundo ng call center industry at bakit kinamumuhian ko ang industriyang ito.

Bagama't malaki ang naitulong sa akin ng industriyang ito para makaraos financially, I didn't see myself building a career in this industry. Because in the first place, ang trabaho sa isang call center ay hindi naman talaga maituturing na career. I have been asked to move up and leave my position as a phone slave because the management thinks I'm deserving to obtain a higher position due to the numbers I present to the management. Maganda ang performance ko sa trabaho at ni minsan ay wala akong issues in terms of attendance, performance, and behavior. I declined the position being offered to me dahil narealize kong masarap pa rin palang maging agent, pero may dahilan talaga kung bat hindi ko tinanggap ang promotion na sasabihin ko later part of this blog post. Mapromote ka man sa industriyang ito bilang isang team lead, quality analyst, SME, the call center job itself is a very demeaning place to work and guess what, you are a major league loser not to get a job at par with what you've finished in college. I'm tired of people saying that the call center job IS NOT a dead end job, because in reality, it is. Ang kumausap sa mga taong matindi ang problema sa kanilang buhay ay isa sa mga nakakairita sa industriyang ito at kelangan mong i-maintain ang iyong self control dahil konting bulyaw mo lang sa customer can cost your shitty job! Talking to disgruntled customers is simply demoralizing!

Pitong taon na ako sa industriyang ito, at masasabi kong marami na rin akong mga karanasan, both good and bad (but it's more on the bad side), and I can attest that this industry I've worked for many years is hell on the surface of planet Earth. This has caused me to have sleeping problems, depression, constant anxiety na baka mawalan ako ng trabaho dahil sa kakulangan ng job security.

Iisa isahin ko ang mga grievances ko sa industriyang ito. At kung sakaling nag iisip kayo na ipursue ang inyong call center "career," so be it. As much as posssible wag nyo ng ituloy pa yan at sa halip, maghanap kayo ng trabahong itatrato kayong tao at hindi robot. Not that I am discouraging you or what, but if you wanted to take the risk, then go. Just don't let me say "I told you so!"

So let's get started?










Work Schedule

Naranasan nyo na bang magtrabaho na pupungay pungay ang iyong mata dahil sa puyat? Naranasan nyo na bang mabuhay na may kasamang energy drink at umasa sa kape para lang magampanan mo ang iyong tungkulin sa trabaho kahit na gustong gusto mo ng ipikit ang iyong mata sa tindi ng iyong antok? Naranasan nyo na bang pumasok ng 2 or 3 am sa work, kung kelan ang mga masasamang elementong gaya ng mga snatcher at holdaper ay naglipana sa mga lansangan? Ganyan ang buhay sa call center, ang pumasok sa trabaho ng dis-oras ng gabi ang isa sa mga tipikal na routine ng isang average call center employee. Swerte mo na lang kung pinanganak kang mayaman at afford mong bumili ng sarili mong tsikot, hindi magiging issue sayo ang pagbyahe during the wee hours of the night. (kung mayaman ka e bat ka pa magca-callcenter?) Problema nyan e pag wala kang sasakyan at isa ka sa mga hamak na commuters lang. Goodluck sayo dahil madalang ang mga jeep at taxi na bumabyahe twing madaling araw, and worse, baka mapahamak ka pa dahil sa mga punyetang holdaper na pakalat kalat sa daan.

Isa rin ang work schedule sa mga dahilan kung bakit napakataas ng attrition rate sa industriyang ito. Attrition means the amount of employees leaving the company in a particular period. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito ang work schedule ng karamihan sa mga ahente. Most agents work for a US campaign, at alam nyo naman siguro na kapag umaga sa Amerika, gabi dito sa Pilipinas.

So ang mga pobreng ahente, kahit na antok na antok at gustong humilata na lang sa kama sa oras na kung kelan natutulog ang isang tao ay kelangang kumayod dahil hindi ka basta bastang pwedeng umabsent ng walang dahilan. The work schedule is enough reason to quit your job and save your sanity!

Tardiness

Isang minutong late mo, umaatikabong mga katanungan mula sa iyong supervisor ang ibabato sayo. Mula sa paggising mo, hanggang sa pag log in mo sa Avaya (yung teleponong ginagamit ng mga call centers) kelangan mong isalaysay kung ano ang nangyare. Bwisit na yan! On the other hand,  pag halimbawa 6 am ang out mo sa work, wala ka pa ring tawag na natatanggap ng mga 5:58 am. 5:59 am pumasok ang isang tawag mula sa isang napakabobong customer na walang kaalam alam sa produktong binili nya online. Naextend ka ng 30 minutes dahil sa katangahan nya. The management won't give a shit kung naextend ang oras mo, at swerte mo na lang kung matino ang call center na pinapasukan mo at icoconsider yung extension mo as over time. Kaso sa amin hinde. OTTY (overtime thank you) ang nangyayare. Para sa kaalaman ng management, hindi kami nagtatrabaho for charity at hindi kawang gawa ang dahilan kung bakit kami nagtatrabaho sa call center. You won't get paid for the overtime you've rendered unintentionally (and that wasn't the agent's fault) because of a stupid customer's call that came through a minute before your shift ends. Asa ka pa!

You're late for one minute, and the management gets angry at you, but they will never mind if you stay and get engaged on a call beyond the time when you're supposed to be free! It's total HOGSHIT!

Attendance

Akala ng karamihan (non call center workers) ay madali lang ang trabaho ng isang call center agent. Their impression is that a call center agent's job includes sitting all day long and talking to random people and that's all. Hello, we're not paid above average salary for nothing! May mga process, protocols, call flows ang kelangan sundin at hindi scripted ang mga sinasabi namin na syang inaakala ng karamihan. We adhere to the process while delivering the "best customer service" as possible. It takes the right person to do this job and if you're not the right person then you will never make it in this industry.

In terms of attendance, ang hindi alam ng karamihan, kahit na bumabagyo, lumilindol, pasko, bagong taon, holidays, birthday, kahit weekends, kelangan mong magtrabaho dahil karamihan sa mga BPO companies ay pinoprotektahan lang ang interes ng kanilang kliyente. Di bale ng mabasa si ahente dahil sa matinding ulan, di bale ng mawasiwas ng napakatinding hangin si ahente dulot ng malalakas na bagyo. Pag may shift ka sa araw na kelangan mong pumasok, kelangan mong pumasok whether you like it or yes. Otherwise, may karampatang parusa ang hindi papasok sa work maliban na lang kung valid ang dahilan na sasabihin mo sa iyong team leader.

Ang bulok na sistema ng BPO industry na kapag may mga sakunang nagaganap gaya ng bagyo at iba pa, magdedeclare sila ng "critical working day." Sa nga hindi nakakaalam kung ano ang critical working day, ito yung mga araw na dinedeclare ng isang management na walang ahenteng dapat umabsent dahil "nakakasira" ito sa business at magdudulot ng matinding operational loss. Which I understand because that's how these BPO big wigs work, they rely on staffing and headcount which drive their revenue because at the end of the day, sila ang may malaking fraction ng lahat ng mga revenue na natatanggap nila mula sa kliyente nila, at ang mapait na katotohanan, barya lang ang natatanggap ni ahente bilang shock absorber ng lahat ng galit ng mga punyetang customer.

One time habang papasok ako sa work  napakalakas ng ulan at san mang kalsada ako dumaan ay baha dahil umapaw lahat ng daluyan ng tubig ulan. Ang napakasaklap ay trapik san man ako magpunta kaya naman sumakit ang ulo ko at agad ko ng naisip na itext ang aking supervisor na malelate ako. Take note, nakataxi pa ako sa lagay na yon so imagine nyo na lang kung magkano ang binayad ko sa taxi. Napapikit na lang ako habang tinitignan ko ang metro ng taxi na kahit hindi gumagalaw e pumapatak!

Pagdating ko sa opisina, napakainit ng ulo ng general manager naming Bumbay na may severe anghit (severe talaga) dahil sa napakataas na shrinkage rate. Dahil sa init ng ulo ng amoy baktol na yon, aba e binigyan pa naman kami ng memo na kapag na-late ulit kami e may karampatan ng disciplinary action. Punyeta talaga! Ni hindi man lang kami tinanong kong kamusta kami. Ni hindi man lang narealize ng hinayupak na hindi namin ginusto ang ma-late. Dapat na-appreciate pa nya na pumasok kaming mga ahente nya sa trabaho e.

Sarap paliguan ng Rexona habang inuumpog sa office desk amputa!














Mga kalokohang slogan

Ok, so malamang karamihan sa inyong mga nagtatrabaho sa BPO ay alam kung ano ang mga "principles" or "slogan" ng kumpanyang pinagsisilbihan nyo. Yang mga kalokohang slogan na yan gaya ng "people centricity." People centricity bang matatawag yung kelangan pang magpaalam ni ahente sa kanyang bisor para lang umihi? People centricity bang matatawag yung kelangan magpaliwanag ni ahente kung bakit napakatagal ng pee break nya? Kelangan pa bang isalaysay ni ahente ang mga nangyare mula nang tumayo sya sa kanyang workstation, hanggang sa pag-upo nya sa inidoro, hanggang sa mailabas nya ang kanyang tae at kung ano ang hugis at kulay nito, sa pagflush, sa pagpunas ng pwet gamit ang tissue hanggang sa makabalik si ahente sa kanyang workstation. Oh yes, may nangyayareng ganyan, lalo na kung mahigpit ang workforce staff sa mga pee/bio breaks.

Isa pa yang mga workforce na wala namang ibang ginawa kundi magbantay sa mga ahenteng hindi naka avail para tumanggap ng tawag. Sila yung mga nagtatrabaho sa production floor na walang alam sa proseso at napakagaan ng trabaho, but they are paid more than what the agents are earning sa gaan ng trabaho nila. Nakakagago lang. There is a reason why we're off the phone and we're doing something relevant to the job (although there are times that taking call after call is really exhausting you have to catch your breath.) Sila yung grupo na ang tingin nila sa mga ahente nila ay mga robot at walang karapatang magpahinga. At kapag nakitaan ka ng kahit konting pagkakamali ay agad mag iissue ng incident report ang mga inutil.

Try nyo rin kaya magcalls mga taga workforce!

Mabalik tayo sa people centricity. Try nyong umabsent ng isang araw dahil bumabagyo, pinapasok na ng baha ang iyong bahay, nagpaalam ka sa bisor mo. Ang tipikan na isasagot ng hinayupak mong bisor, "but you can still come to work, right?"

Right, can I make hambalos the keyboard to your fucking face?

Pro agent? or Pro Client?

Gaya ng sabi ko, karamihan sa mga BPO companies ay pinoprotektahan ang interes ng client. Kung ano ang sabihin ni kliyente, yun ang masusunod, otherwise, pag hindi sumunod si BPO company sa mga kagustuhan ni kliyente, pwedeng ipull out ni kliyente ang kanyang business. The result? Mawawalan ng trabaho ang mga agents, pati na rin ang management na major "ass kisser" sa mga kliyente. Ganyan ang buhay sa call center, sa isang iglap maaaring mapull out ang isang account, at sa isang iglap maaari kang mawalan ng trabaho. Ito ay issue ng job stability.

Kelangan pumanig ang management sa kliyente dahil ang kliyente ang dahilan kung bakit buhay na buhay ang BPO sa Pilipinas. Kaya nga may mga ibang kumpanyang kahit labag na sa labor code ng Pilipinas e gumagawa pa rin ng mga kababalaghan, gaya na lang ng mga mandatory overtime na yan kahit na labag sa kalooban ng ahente. Kung gugustuhin naman ni ahente na mag overtime, gagawin nya yan, kaso wag naman sanang sapilitan at tatakutin pa si ahente ng insubordination pag di pumasok sa nakatakdang mandatory OT!

Kung gusto nyong mahalin ng mga ahente nyo ang kumpanya nyo, alagaan nyo sila, pakinggan nyo ang kanilang hinaing. Dahil ang tunay na driving force ng industriyang ito ay walang iba kundi ang mga ahente!

Social climbing whores

Sa call center, hindi mo talagang maiiwasang makasalamuha ang mga ganitong uri ng nilalang. Sila yung mga tila nanibago sa laki ng sinasahod nila sa call center at kung makatanggap ng sweldo e "one day millionaire" ang peg! Kaloka! Nakakairita! Malamang ang sinasabi nyo e pera nila yan at wala akong karapatang husgahan sila or what, pero blog ko to at wala rin kayong karapatan kung pintasan ko sila ng bonggang bongga noh! Bagong sapatos, bagong damit, relo, cellphone, at may pastarbucks starbucks tumbler pang nalalaman. Ito ang nakakatawa e. Ano bang meron sa mga Starbucks tumbler na yan ha? Sasarap ba ang iniinom nyong kapeng 3-in-1 or magiging kasing lasa ba ng Evian Mineral water ang tubig na ilalagay nyo dyan sa Starbucks tumbler na yan ha?

Ang talagang higit na nakakatawa e ilang araw pagkatapos ng sweldo, ayan na, mangungutang na. Ubos ubos biyaya kasi ang eksena. Papalibre na ng lunch si social climbing bitch sa kapwa nya social climber din. At pag di nakautang, ayan, dilat ang mata sa gutom, maghihintay na lang ng next payday para ipagpatuloy ang social climbing drama nya!

Ilang beses na nag attempt sa akin itong isang kakilala kong social climber na mangutang sakin. Me, being a simple person na kuntento na sa tumbler na nabili ko sa Daiso shop (yung Japan store sa mga mall) for 99 pesos only, politely declined as my money is in the bank. At tsaka, hindi ako shunga para pautangin ka. Sa nakikita ko sa iyong Facebook posts, puro signature brands ng mga binili mong damit at sapatos at relo ang ipinapakita mo sa mga friends mo. Kung hindi mo pinambili ng mga signature brands yung pera mo edi sana may naitabi kang pera at may nadudukot ka sana ngayon.

Do not spend beyond your means, social climbing bitch!

Yung totoo, sumasarap ba ang tubig
pag sa Starbucks tumbler mo to ininom?















Customers

Sa account na pinagtatrabahuan ko, most of my customers are really nice, although there are some who are major league assholes! I mean, you get one call from a very nice customer. As soon as that phone call ends, you get another phone call from a disgruntled customer who is not convinced that you can help him out with his issue he could've fixed on his own had he searched Google! Tanga e! Well that's basically it. We are paid because you customers do not know how to use Google!

Some customers would then react if you break bad news to them and they will then cut you off and react like a crybaby. Madalas nangyayari sakin to. Hindi pa ako tapos iexplain ang lahat ng dapat sabihin pero sisingit sila! Ang sarap sabihan ng "would you please just let me finish?!" para naman for once masupalpal sila. Unfortunately, for some reason, on my last days in the call center company I recently worked for, hindi na ako nakatanggap ng mga tawag mula sa mga customers na sakit sa ulo. I would've unleashed my inner bitchy persona on my last days dahil gusto ko rin magpakabitch sa mga customers dahil well, aalis na rin naman ako sa kumpanya. The callers were nice to me so the feeling was mutual. I was nice to them as well.

May mga customers ding naghintay ng pagkatagal tagal sa linya bago nya nakausap ang isang ahente. Naiintindihan ko on a customer's point of view, maraming oras na nasasayang at alam ko namang napakainconvenient nyan bilang isang customer. Pero sa likod ng camera (charing!) kaya mataas ang "high call volume" ay dahil minsan, kami rin ang gumagawa ng dahilan para hindi makatanggap ng tawag. Nariyang irestart ang computer namin at kunwari ay naghang, o di kaya ay sinadya naming sirain ang aming login information gaya ng pag enter ng maling password para malock out at di kami makapasok sa systems namin. Syempre pano ka nga naman makakatanggap ng tawag kung wala kang system, so inform mo agad si TL or supervisor mo para off the phone ka pansamantala at hindi ka makakatanggap ng tawag. Galawang petiks lang. Kung hindi ka kasi gagawa ng paraan e matutuyuan ka ng dugo sa ganitong uri ng trabaho. Gaya ng sabi ko, nakakababa ng moral ang pagsagot sa mga tawag mula sa mga taong di mo naman kilala at sinasalo mo ang problemang hindi naman sayo! Accountability sucks! Problema mo yan kaya wag mo kong dinadamay dyan at ginugulo ang mapayapa kong buhay animal ka!

But then, I get paid because of this bullshit thing called "ownership." Management usually says to their agents, "you need to own your customer's problem." Fine, it's a part of the job and it's the job I've signed for. And this is what makes the call center job shitty as fuck!

Racist customers? Oh well, would you like me to assist or not? If yes, I will be happy to assist. If no, I will be MORE than happy to transfer you to an irrelevant department for you to be transferred again and wait for another 30 minutes on the line. Pakyu ka! (may "you" na nga, may "ka" pa! hahahahaha)

Petiks time!

Hindi uso ang petiks dahil hindi ito ang uri ng trabaho na pwede kang mag-idle mode. Hindi ito kagaya ng mga government employees sa Pilipinas na kapag walang trabaho ay pwede kang mag Facebook o makipaglandian sa text. Sinisiguro ng mga clients na nasusulit lahat ng binabayad sayo, which sucks! Could you at least allow us to be free while there are no calls? Or better yet, could you allow us to bring our phones inside the production floor so we won't be bored to death?! Hindi kami high school para pagbawalan nyo sa paggamit ng cell phones!












Pasko, Bagong Taon

Sa recent account na pinagtrabahuan ko, mapalad ako dahil may bank holidays. Malas nga lang twing pasko at bagong taon. December 24, imbes na kapiling mo ang pamilya mo sa Noche Buena, sinasagot mo pa rin ang mga tawag mula sa mga taong tila walang balak magpasko. Naalala ko nung nagdaang pasko, kausap ko ang isang customer na may problema sa kanyang account dahil mali mali ang mga payments na inallocate sa kanyang account. Nagreklamo si customer at dahil kabilang ako sa mga super agents sa production floor, agad naman akong nag log ng complaint para sa kanya. Masaklap nga lang na sinalubong ko ang pasko na inaatupag ang kanyang reklamo at nag-iisip ng solusyon para maresolba ko ang issue nya. Imbes na nilantakan ko na ang ham at lechon kasama ang aking mga mahal sa buhay, nilamon ko ang galit at sama ng loob ng customer dahil sa kapalpakan ng account namin!

Nga pala, may pakain naman ang kumpanya namin dahil nga pasko at pakunswelo na rin dahil nagtrabaho kami sa araw kung kelan dapat ay kapiling namin ang aming mga mahal sa buhay. Nakakatawa dahil first time kong kumain ng paksiw na isda sa bisperas pa naman ng pasko! Hahahahahahaha! Kalokang kumpanya! Ayoko ng banggitin pa ang kumpanyang ito dahil malamang e hantingin nila ako dahil sa nilathala ko dito sa blog na to. Sa dami ng pagkaing pwedeng ihanda, bakit paksiw na isda pa?! Cost cutting teh? Nagtitipid?

Magkahalong saya at lungkot nang sumapit ang alas dose ng madaling araw at lahat ng mga tao sa production flor ay nagyayakapan at binabati ang isa't isa ng Merry Christmas. Masaya dahil nakikita mong nagkakasundo lahat ng tao sa opisina at malungkot at the same dahil imbes na pamilya mo ang binabati mo sa mga oras na yun e nasa trabaho ka at kelangan pa rin kumayod.

Ganun din ang eksena nung nagdaang New Year pero at least wala ng paksiw na isda! Hahahahahahaha!

Promotion

May kakilala akong isang agent na nag apply para maging isang quality evaluator. Tatlo o apat silang nag apply. Di ko na maalala. Yung kilala kong agent na nag apply ay consistent top performer at laging top agent sa mga ginaganap na rewards and recognition sa production floor twing katapusan ng buwan. Yung isa namang nag apply ay talagang kilala ko kase ka team ko sya. Yung kateam ko, average performer, nakakapasa naman sa mga quality scores at wala namang issue sa attendance. Lahat kami ay nagexpect na yung consistent top performer ang mapopromote at yun na talaga ang inaasahan namin. But to our surprise, yung kateam ko pa ang napromote at hindi namin alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakapromote. As a quality evaluator, you should have exceptional knowledge with the product you are working for, at naniniwala akong minor attribute lang ang personality sa ganitong uri ng trabaho. You as a quality evaluator must be focused on the technicalities of the job and you are expected that you are knowledgeable with the process.

Ito kasing si top performer ay hindi masyadong close sa mga clients at sa management, whereas itong kateam ko e laging kasama ang mga clients sa kanilang mga outings so talagang kilala na sya. Kaya naman nung napromote yung kateam ko, bagsak ang langit ni top performer at nag-isip na mag immediate resignation na lang. Nadala rin naman sa pakiusap ng management na wag magresign at sa halip ay gawing motivation ang nangyare dahil baka daw hindi pa yun ang tamang panahon para sya ay mapromote. Kaputanginahan e noh? Halata namang pinaboran yung kateam ko dahil close sya sa mga kliyente.

Pinaboran nila dahil close din sila ng QA lead ng production floor namin na bobo rin pagdating sa process. Bobo talaga, kase nung ako ay nag-e-SME sa mga newbies sa floor, aba e nilapitan ba naman ako at nagtanong kung pano daw mag log ng complaint. Mga tanong na dapat e mga newbies ang nagtatanong, pero ang QA lead mismo ang nagtanong sakin kung pano. Hindi ka ba nahihiya? Pano mo kaya nakamit ang ganyang posisyon kung ultimo simpleng bagay na karaniwang ginagawa ng mga ahente sa floor e hindi mo alam gawin. Napakamot na lang ako sa ulo at kunwari at hindi ko na inalintana ang kashungaan nya!

In my case, I was advised by my superior to apply for a higher position because she thinks I deserve to be promoted. While I am grateful that she has recognized my skills, however, I just can't accept the fact na nakakarinig ako ng mga kwentong may pinapaboran sila. Maririnig mo na lang na yung isang nagapply din sa pagiging supervisor ay binigyan ng tips kung ano ang mga kailangang isagot sa interview, o kung ano ang mga itatanong. Napakaunfair at nakakainsulto dahil para bang ginagawa lang akong tanga ng mga taong gustong kunwari ay mapromote ako. Isa pa, wala rin naman akong balak mapromote dahil kung papalaring mapromote man ako ay lateral transfer. Meaning kung anuman ang sinasahod mo bilang ahente ay ganun din ang magiging sahod mo sa mga unang buwan ng iyong promotion, let's say 6 months to one year. Ako ang mawawalan ng mga performance incentives dahil hindi ko na magagampanan ang mga tungkulin ko bilang ahente. Napromote nga ako pero bababa rin ang sasahurin ko, e sa call center company namin e wala namang kasiguruhan kung maaacchieve mo talaga ang promotion dahil na rin sa probationary period na iniimpose nila. May mga cases sa kumpanya namin na nademote at bumalik sa pagiging ahente dahil di nameet ang criteria ng pagiging supervisor o kahit anong higher position na inooffer nila. Hahanapan ka nila ng mali para mademote ka at hindi sila papayag na mapromote ka. Gagamitin ka lang nila pansamantala at pag napakinabangan ka na nila e tsaka ka nila iiwan sa ere. Di ako ganun katanga para mauto nyo sa mga ganyang bagay. Masaya na ako sa sinasahod ko bilang ahente so humanap kayo ng taong mauuto nyo mga punyeta kayo!

At sa call center company na huli kong pinagsilbihan, please promote competent people. Marami kasi ang hindi magawa ang trabaho ng maayos, at ayaw nilang mapromote ang mga taong marunong manindigan at pipiliin nila ang taong mauuto nila at parang asong susunod lang sa utos ng amo. Nakakahiya at nakakasuka kayo!













UPDATE: We have just reached
20,000 views. Maraming salamat sa
pagbisita.

Thursday, May 26, 2016

Resignation : Ang aking minimithing kalayaan

Matapos ang dalawang taon kong paninilbihan sa call center company na pinapasukan ko, sa wakas ay makakalaya na ako sa mga di makataong patakaran na iniimpose nila sa aming mga ahente. Matagal na rin akong kating kati na lumayas sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Maraming kapalpakan mula sa clients, hanggang sa management, at tila hindi ko alam kung may career path nga ba ako, o kung may patutunguhan nga ba ang pagtatrabaho ko sa kumpanyang yon.

I wanna say the reasons why I resigned but I can definitely tell you what my reasons are in my upcoming blog posts.

In all honesty, I see my job as a means of making money, saving a fraction of it, and spending the rest. Nakaipon din naman ako ng pera sa pagtatrabaho ko sa BPO company na yan at sa tingin ko naman ay sapat na ang experience na aking nakuha para mapursue ko talaga ang bagay na hilig kong gawin. Which is also one of my problems. I don't see anything that I can do better apart from delivering the best customer service as possible, and at the same time, teaching. Yeah, I taught students before but it gave me very little income at ni piso ay wala akong naipon sa pagtuturo.

So I decided to try my luck in the freelancing industry. Ang buhay ng isang freelancer ay mahirap. Though hawak mo ang oras mo, at meron kang kalayaang gawin ang mga bagay na gusto mo sa iyong libreng oras, ang stability ng trabaho ang isa sa mga malalaking issues sa mundo ng freelancing. Swerte mo na lang pag ika'y nakahanap ng employer na established online, ibig sabihin e pag natapat ka sa employer na matagal na sa indstrya ng freelancing, malamang e limpak limpak na salapi ang kaya mong kitain pag maayos nga lang ang mga outputs na ipinapakita mo sa iyong online employer. 

Sa ngayon ay nag uumpisa pa lang ako at kaliwa't kanang proposals ang pinapadala ko sa aking mga prospective employers. Kelangang ibenta mo ang iyong sarili (walang elemento ng human trafficking ok?) sa kanila, ipakita mo na kaya mong gampanan ang mga tasks na ibibigay ng mga employers, at kung may skills ka na maipagyayabang e ipush mo na para mamangha sila. Sa ngayon, yan lang ang tips na pwede kong maibahagi sa mga kapwa ko freelancer na naguumpisa pa lang sa freelancing industry.

Sa ngayon ay masaya naman ako sa aking kinalalagyan. Wala na akong iisipin pang mga metrics na kelangang i-attain para hindi masisante sa work. Hindi ko na iniinda ang matinding trapik sa lansangan sa pagpasok ko sa trabaho. Hindi na ako nasisikatan ng araw dahil nasa loob na lang ako ng bahay nagwowork (para naman lalo akong pumuti, hahahahaha.) Nagresign man ako, pero masaya ako dahil hawak ko ang aking oras, at may oportunidad akong kumita ng pera na direkta sa mga clients ko online.

Kung sakali namang hindi maging successful ang freelancing career ko, edi babalik ako sa pagtatrabaho. Marami namang kumpanyang malapit sa tinitirhan ko at may work experience din naman ako. Hindi ko na kelangan pang mag-effort na patunayang capable ako sa pagtatrabaho dahil alam kong magaling ako. (confident!)

Yan ang tunay na baklutay!

Sunday, May 15, 2016

Leni Robredo declared as presumptive Vice President of the Philippines : The Yellow Virus is Alive and Kicking!

Magandang araw mga kabaklutay. 

Sobrang dami na ng mga split ends ko sa buhok ko pero never ko naisipang ipatrim man lang kasi nanghihinayang akong pagupitan ito. Baka sa mga susunod na linggo na lang ako magpatrim kasi malapit na rin naman akong magresign at magfofocus na rin ako sa aking home based business.

Leni Robredo
Anyway, tuloy tuloy pa rin ang bilangan ng mga boto isang linggo matapos ang eleksyon, at ayon sa aking mga nabasa ay 96% na daw ng mga total number of votes ang nabibilang ng Comelec. Ayon din sa aking mga nabasa ay malabo na raw makahabol si Vice Presidential candidate na si Bongbong Marcos, sa kabila ng napakaliit na lamang ng mga boto ni Robredo, na 200,000 votes. Mathematically improbable na nga daw kung bibilangin pa ang natitirang 4% ng mga boto dahil kahit bilangin pa daw ang mga yun ay hindi na raw makakalamang pa si Marcos.

Ang sa akin lang ano, sa ganyang mga eksenang napakaliit at maicoconsider na hairline ang gap ng mga boto e talaga namang kailangang tapusin ang bilangan para malaman talaga kung sino ang tunay na nagwagi. Maraming mga taga suporta ni BBM, gaya ko, na pabor sa manual recount ng mga boto, dahil nararamdaman kong may dayaang naganap nitong nakaraang halalan.

Kayo na ang bahalang magtranslate nyan!
Minsan ng naipahayag ng Pangulong Noynoy Aquino na gagawin nya ang lahat, wag lang manalo si Marcos sa pagkabise. Dahil sa pagkakasabi nyang yun, nagduda kami kung talaga nga bang minanipula ng administrasyon ang mga bilang ng mga boto. Tandang tanda ko pa na si Marcos ang nangunguna sa Vice Presidential survey sa unang araw ng bilangan, kinabukasan, bumungad sa madla ang balitang nangunguna na itong si Leni Robredo. 

Nakapagtataka talaga! 

Kumalat din ang isyu noong nakaraang linggo tungkol sa pagdagdag bawas ng mga boto. This time, may malaking pagganap sa isyung ito ang isa rin sa mga Vice Presidential candidates na si Chiz Escudero. May ibang boto daw ni Chiz na idinagdag kay Robredo kaya bahagyang umangat ang ranking ni Robredo sa bilangan. Ayos din ang pagmamanipula nyo, Liberal Party, pero hinding hindi nyo kami maloloko mga kupal kayo. Sinadya nyong gawin ang pagdagdag bawas habang natutulog ang mga tao para hindi mahalata ang kalokohang pinaggagawa nyo. May mga taong nagmamatyag kung ano ang magiging resulta ng bilangan.

Sa katunayan, marami akong kakilalang nagpuyat para lang mapanuod ang mga updates sa telebisyon. Nakakamangha ang ibang news channel dito sa Pilipinas dahil madaling araw na pero meron pa rin akong nakitang live telecast para maihatid ang mga balita. I must commend TV5 for a job well done. 

Hindi papayag ang partido ni Abnoynoy Aquino na muling mamuno ang mga Marcos sa bansa. Para sa iyong kaalamang abnoy ka, kayong mga Cojuangco at Aquino ang dahilan kung bakit naging katawa tawa sa buong mundo ang Pilipinas. Noong si Apo Macoy pa ang namumuno sa bansa, tinitingala tayo ng Amerika, iginagalang tayo sa international community. Simula nang mamuno ang angkan nyo dito sa Pilipinas, kaliwa't kanang kamalasan ang dinanas ng mga kababayan ko sa ilam ng inyong pamumuno.

Kailangan ng manual recount para magkaalaman talaga kung sino ang nanalong VP. Kung sinuman ang manalo ay maluwag sa puso naming tatanggapin yon. Naniniwala kaming nadungisan ang naunang bilangan kaya ang tanging isinisigaw namin ay sana magkaron ng manual recount ng mga boto. Yun lang.

Stay away Yellow Virus! Mukang kayo yata ang pumapatay sa demokrasya ng ating bansa. 

Manny Pacquiao and the rise of the "Bobotantes"

Punyeta!

Yan ang masasabi ko mula nung nabalitaan kong pasok sa top 12 elected senators ang atletang si Manny Pacquiao.

Inaasahan kong magbabago na ang mga botanteng Pilipino. Inaasahan kong magiging matalino na sila sa pagpili ng mga taong gagawa ng mga makabuluhang batas para sa kabutihan at kaunlaran ng ating bansa. Inaasahan kong ang makabagong henerasyong Pilipino ay susuriing mabuti ang plataporma ng mga kumakandidato sa eleksyon, at kung anuman ang achievements nila. Track record kumbaga.

Ngunit, bigo ako. Narealize kong ang tatanga pa rin ng karamihan sa mga Pilipino pagdating sa pagboto ng mga lider. Nuknukan pa rin pala ng kabobohan!

I mean, masaya akong nanalo si President Duterte dahil gusto ko ang plataporma nya lalo na sa aspeto ng Federalismo. Sa pagkabise naman, nangunguna si Leni Robredo sa partial at unofficial counts ng Comelec. Si Bongbong Marcos ang bet ko dahil naniniwala akong magiging bongga ang pagbabago sa tambalang Duterte-Marcos. Mamaya ko na ookrayin si Tyang Leni dahil hindi sya ang main concern ko sa mga oras na ito.

So mabalik tayo kay Manny Fuckquiao. Abot hanggang stratosphere pa rin ang galit ko kay Manny Pacquiao since kumalat sa social media ang video nya tungkol sa mga LGBT. Humingi man sya ng apology pero batid kong hindi taos sa puso ang paghingi nya ng apology.  So uungkatin ko na naman ang issue ng nakaraan!

Ikinagalit ko ang mga sinabi nya na kaming mga LGBT ay "masahol pa sa hayop." Hindi raw marunong kumilala ang mga LGBT ng kasarian at mabuti pa raw ang mga hayop kasi ayon sa kanya, mas marunong kumilala ang mga hayop ng lalake at babae. Na alam daw ng mga hayop na ang lalake ay para sa babae and vice versa.

Napakatonto at ignorante!


May mga pag aaral kasi sa siyensya na hindi lang exclusive ang homosexuality sa mga tao. May mga ebidensya ang syensya na pati ang mga hayop ay may homosexual tendencies din. May malaking role ang genetics sa ganitong usapin, kaya kung wala kang alam (na talaga namang wala kang alam kasi nga ang alam mo lang ay makipagbasagan ng muka) e sana nanahimik ka na lang at di yung ipinamalas mo pa ang kabobohan mo sa madla. Jusko!

Kung anong kinatigas ng muka mo, syang kinalambot ng utak mong sing lambot ng pandesal nyeta ka!

Manny Fuckquiao, kahit magsorry ka pa ng ilang beses, magkakanyebe sa kapatagan ng impyerno bago kita mapatawad! Ewan ko ba kung bakit hirap akong patawarin ka. Kasi hindi lang naman ako ang naapektuhan sa mga sinabi mo, at hindi lang ang mga kabaro ko ang apektado sa mga estupido mong mga kumento tungkol sa LGBT. Apektado rin pati na ang mga mahal namin sa buhay na nagpalaki sa amin. Tandaan mo ni minsan hindi mo kami napakain at wala kang naiambag sa akin, bagkus kaming mga LGBT ay may ambag sa sinasahod mo sa Kongreso sa kabila ng pagiging absent mo at sa kabila ng pagiging iresponsable mong Congressman kaya ano na nga pala ang nangyare sa lugar na nasasakupan mo aber? Umunlad ba? Waley diba?

Kayo namang mga bumoto dyan sa mukang unggoy na yan, matanong ko nga kayo, ano bang meron sa kanya at naisipan nyong iboto sya, ha? Una sa lahat, marunong ba talagang gumawa ng batas yan? Marahil ang tingin ni Manny Pacquiao sa Senado ay isang napakalaking charitable institution na dadagsain ng mga maralita nating mga kababayan para humingi ng tulong para matustusan ang pangunahin nilang pangangailangan. Excuse me, Mr. Pacquiao, the Senate of the Philippines is a place where laws are being made, and passed, kung waley ang batas, hindi ito maipapasa. Manny Pacquiao, hindi PCSO ang Senado kaya itigil mo ang kahibangan mo. By doing that, you're giving citizens fish, instead of teaching them how to fish. Alin nga ba ang mas importante?




Pangalawa, he garnered lots of votes basically because he is an icon. Popular! Para syang isang branded na sapatos, kilalang kilala hindi lang dito sa Pilipinas, maging sa iba't ibang bahagi ng mundo. He garnered a lot of votes basically because of his popularity and nothing else, and this is what disappoints me. Basehan pa rin pala ang popularidad sa paghalal ng mga kandidato? My god! 2016 na po tayo! Akala ko ba tumalino na ang mga botante natin, bakit ganito ang naging outcome?! I mean, with the rise of social media, siguro naman mabibigyan ng chance ang mga "unknown" candidates na mailahad ang kani kanilang mga plataporma.

 I can sense na wala kang maipapasang batas Manny Pacquiao dahil unang una wala kang alam sa batas. Ikaw pa nga yata ang magiging balakid sa binabalak ni President elect Rodrigo Duterte na ipasa ang anti discrimination law. Kasi galit ka sa bakla. Para kang si Noynoy na gagawa gawa ng batas kunwari pero hindi maipapasa, dahil pareho kayong utak pandesal. Pinagkaiba nyo lang, malago buhok mo, panot sya! Pero wala kayong pinagkaiba in terms of incompetence!



It's a tie!

I can sense that you have a hidden grudge towards the members of the LGBT! Ano bang naging kasalanan namin sayo? Nahada ka na ba ng bakla noon? Ano ba kasi ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa amin? Kung meron man, sabihin mo, pag usapan natin, hindi yung magbibitiw ka ng mga salitang

Ano kayang magiging eksena sa susunod na eleksyon? Manny Pacquiao tatakbo bilang Presidente ng Pilipinas?

Stop it, please. I don't want the Philippines to be a laughing stock on planet Earth!

I couldn't blame Pacquiao entirely for his victory. His dumb, stupid supporters are a bunch of dimwits for voting someone based on popularity! Bobotantes have risen, and I hope this would be the last time.

Dahil kung hindi, magiging katawa tawa na naman ang Pilipinas sa international community.

Manny Pacquiao for President? Asa ka pa, Manny Pakyou!




Thursday, May 12, 2016

Eleksyon 2016

Habang tinitipa ko sa keyboard ko ang blog post na ito ay tapos na ang halalan ngunit ramdam ko pa rin ang election fever sa mga sandaling ito. Hindi pa rin natatapos ang bilangan at higit na inaabangan ng sambayanan ang pagpoproklama sa  baging bise presidente ng Pilipinas.


Bago ang lahat, nais ko munang icongratulate si President Rodrigo Duterte bilang bagong pangulo ng Pilipinas! Ang tagumpay ni Digong ay tagumpay ng sambayanang Pilipino at patunay lamang ito na napakaraming Pilipinong uhaw na uhaw na sa pagbabago. 




Ang napansin ko ay ang mas moderno at organisadong eleksyon. Kung noong nakaraang mga dekada ay inaabot ng linggo hanggang buwan ang pagdedeklara ng mga nanalo, ngayon iba na. Oras lang ang binibilang ay naipoproklama na ang mga panalo, lalo na sa mga positions gaya ng Mayor, Gobernador,  Konsehal, etc. 



May mga aberya man akong nabalitaan pero hindi yun naging dahilan para magdeklara ng failure of elections, which is the worst case na pwedeng mangyare.