Hello sa inyong lahat. Ako ay natutuwa at nanumbalik na naman ang interes ko sa pagsusulat at paggawa ng blog. Ilang taon na rin pala ang lumipas mula nang iniwan ko ang pagbablog at naging abala sa maraming mga bagay.
Inaasahan ko na magiging makabuluhan ang lahat ng mga isusulat ko dito. Hindi ito kagaya ng mga nauna kong blog na puro kaechosan ko sa buhay ang ikinuda ko. Hindi lang ito tungkol sa akin kundi pati na rin sa mga iba't ibang personalidad, mga pulitiko, mga trending na issue, current events, at kung anu ano pa.
Nais ko munang ilahad sa inyo ang mga posibleng FAQ's (Frequently Asked Questions) sa mga bibisita sa page ko.
Bakit Baklutay?
Hango ito sa salitang "Bakla." Hindi ko rin maexplain ang origin ng salitang to sa totoo lang. Kasi habang pinag-iisipan ko ang magiging title ng blog site ko ay bigla kong naisip ang salitang to. Basta, yun na!
Bakla ka ba?
100% Baklang Bakla.
Sino ang nag udyok sayo para gumawa ng ganitong blog site?
Bata pa lang ako ay hilig ko na ang magsulat. In fact, mas nageexcel ako sa pagsusulat kesa sa pagsasalita. Naieexpress ko ang sarili ko ng maayos pag naisusulat ko ang lahat ng
gusto kong ipahayag. Ganun ako e. Likas na sa akin ang maging mahiyain pero pag alam kong nagigipit ako at pag alam ko na ako ang nasa tama e hindi ko ikakahiyang manindigan. Tahimik man ako, pero nananatiling maingay ang mga salitang namumutawi sa aking isipan.
Ano ang mga inaasahan mo sa iyong mga mambabasa?
Hindi ko naman hinihiling na sumang ayon silang lahat sa aking mga sinasabi. Minsan ay may mga ipopost akong mga article na iskandaloso ang content at alam kong may time na malamang ay dumugin ang aking artikulo at magkaron ng gulo lalo na sa comments section. Gaya na rin ng tagline ko sa header, opinyon, pananaw, at okrayan. Ang okrayan ay hindi nangangahulugang murahin mo ang kinakausap mong tao online, lalo na kung ang ginawa lang nya ay maipahayag ang kanyang mga pananaw ukol sa issue.
I firmly believe that you should attack the opinion and not the person. Yun yon.
Ilang taon ka na?
Hindi pa naman lampas sa kalendaryo ang aking edad so young and fresh pa rin akes! Hahahahahaha!
Single or Taken?
Taken e. Taken for granted.
Meron po tayong contact form sa right sidebar ng page na to. Kung may mga katanungan po kayo, mga suggestion o feedback, o kung nais nyo pong mag advertise, mangyari lang na mag iwan ng mensahe at agad kong tutugunan yon in 3-5 working days. Mahalagang marinig ko ang saloobin ng aking mga mambabasa para lalo ko pang mapaganda ang mga artikulo o entries na aking isusulat.
Maraming salamat sa pagdalaw mga ka-baklutay!