Saturday, June 11, 2016

Manny Pacquiao's Crash Course will make the Philippines CRASH!

Nabalitaan kong itong si Manny Pacquiao ay sasailalim sa isang 9-day crash course period kung san pag-aaralan nya within 9 days ang mga major issues ng bansa, fundamentals ng leadership, at ang tamang paggawa ng batas. Bilang bagong senador na hinalal ng mga botanteng may sayad sa utak ay kelangan nyang matutunan ang mga bagay na ginagawa ng isang senador para naman magkaron sya ng silbi at hindi maging katawa tawa pag sumabak na sya sa senado!



Nakakatawa. Gaya ng sinabi ko sa nauna kong post tungkol sa mga "bobotantes" na bumoto kay Pacquiao ay hindi pa rin natututo ang karamihan sa kanila kung pano pumili ng tamang kandidato. Ewan ko ba kung anong klaseng langaw ang pumasok sa mga utak nilang gamunggo! Akalain nyo, tumakbo si Manny Pacquiao sa pagkasenador na hindi handa at malamang ang iniisip nya ay puro charity ang ginagawa ng isang mambabatas at ang layunin nya kaya naisipan nyang magsenador ay para matulungan nya ang mga taong kapus palad!

Jusko, kung ganyan nga ang mentality ng isang Manny Pacquiao, ay talagang pupulutin sa kangkungan ang Pilipinas. Being a senator is no joke but it seems like Pacquiao is taking his position for granted. His attendance records in Congress can attest how inept this person is to be a law maker. I mean, ganyan na ba talaga ang sistema ngayon? Ihahalal ang isang taong wala namang alam kung anong pinasok nya at dahil may balak syang tulungan ang mga mahihirap nyang kababayan kaya sya binoto ng mga tangang botante?

Ang tatanga talaga ng mga botanteng Pilipino kung ganyan ang dahilan nyo kaya nyo binoto ang Manny Pacquiao na yan. Sana nga ay mapaunlad nya ang Pilipinas sa limitado nyang kaalaman sa paggawa ng batas. At tsaka ang pagiging senador ay hindi kawang gawa ang inaatupag. Tagagawa ng batas ang isang senador mga tontong botanteng Pilipino! At tsaka Pilipinas lang yata ang narinig kong bansa na humalal ng isang kandidatong walang experience sa batas, basta sikat, push lang! Pilipinas ang bansa ng mga tangang botante na popularidad ang kinokonsidera para iboto ang isang kandidato imbes na plataporma at mga naging achievements, kaya nga naimbyerna ako nang makita kong napabilang sa top 12 senators ang pangalan nya e.

Sabi ng mga bobong botanteng bumoto kay Pacquiao, give him chance. So ganyan na lang ba? Parang trial ang error na lang palagi ang nangyayare?

Sumasakit ang clitoris ko sa katangahan nyo!