Nakakalokang araw! Pagod ang lola nyo sa lakad kaninang hapon kung kelan tirik na tirik ang araw dahil kelangan kong maiprocess ang aking clearance para makuha ko ang aking huling sahod sa kumpanyang pinagsilbihan ko. Punyeta. The least I wanted to do was to step in my former workplace I consider as HELL! Yeah. Pero may receivables pa ako at malaki laki din yun base sa aking approximate calculations (naks gumaganyan pa!) so hindi ako baliw para ipalimos sa kanila ang huling sahod ko at dahil lang sa matinding pagkamuhi ko sa kumpanyang yon ay hindi na ako babalik dun para kunin ang aking pera. Wag na wag lang silang magkakamali sa kanilang mga computation dahil nag-aalala din ako at baka imbes na may makuha ako e ako pa ang magkaron ng bayarin na kailangang isettle. Makikita nila ang mala-halimaw kong aura oras na pumalpak sila shutangina nila!
While some of you might question the name of the company I worked for, I don't wanna disclose it for the time being. Hangga't hindi ko nakukuha ang mga kailangan ko (gaya ng COE, final pay, etc.) ay hindi ko muna sasabihin ang pangalan ng kumpanyang talagang kinamumuhian ko. This company has given me so much headache and caused me to have serious mental issues like anxiety. Oh fuck, I'm free now. I no longer work in that shitty workplace anymore, so kebs lang! I'm totally reborn, being free from the incompetent management, the clients who are big time assholes, and the company's system!
Nang makarating ako sa workplace ko ay napakaraming nangamusta sakin, para bang artista ang arrive ko nang muli akong tumapak sa office. Ang daming bumati. Bati dito, bati doon, well ganon ako e. I'm a nice person in general that's why a lot of people are nice to me as well. I'm genuine too. Kung hindi kita bet, hindi na ako mag aaksaya ng panahong makipagplastikan sayo. Nakakabawas sa energy levels ko yan at nakakasira ng ganda!
Agad na akong pumunta sa HR department dahil ayokong mag aksaya pa ng oras dahil may importante akong lakad kinalaunan. So may exit interview pa silang nalalaman as if magbabago pa ang desisyon ko na lisanin ng tuluyan ang punyetang kumpanya na yan. Letche. So I was honest at sinabi ko naman ang lahat ng hinanakit ko sa kumpanya, well, yun kasi ang instruction nila. "Be honest with your answers." Sinabi ko lahat lahat ng mga sama ng loob ko, as if that will change anything. Sa dami ng mga empleyadong nauna sakin na umalis ay tila hindi naman nila pinakikinggan ang mga feedback ng kanilang former employees para mapaganda ang kumpanya! It's just a complete waste of time, brains, and money to be a part of that nonsensical interview. Anyway, that's simply their protocol so I'll abide, otherwise, I might not get my final pay kung hindi ako susunod sa kanila, na isang napakalaking kaputanginahan! hahahahahahahaha
So natapos ang interview na punong puno ng kaechosan nila at ang kuda sakin ay aabutin ng ilang linggo bago ko makuha ang aking last pay. Fine. Exit na ang beauty ko sa office at nang pababa ako sa elevator ay nakasabay ko ang aking officemate who happens to be my close friend in the office. Chika sakin na mula daw nung nagresign ako ay sunod sunod na ring nagsialisan ang mga empleyado nila. Hindi basta bastang mga empleyado lang, kundi may mga posisyon at tungkulin sa department namin. Kaloka.
Habang nag-uusap kami over cups of coffee and yosi, nabanggit nya na lantaran na ang pulitika sa opisina at hindi na rin maayos ang pamamalakad ng management. I just felt lucky to escape before all these things happened (well this has been happening while I was still with the company, I think everything got, severe? hahahaha), dahil tiyak na teribleng sakit ng ulo ang hatid nito saken kung sakaling nagtagal pa ako sa kumpanya. Pero sa tingin ko, kung ano man ang dinanas nila ay wala sa naranasan ko, sa pagmamalupit sakin ng client mismo, pero tsaka ko na ikekwento ang lahat ng yan. May araw at oras na itinakda para ilantad ko ang mga bagay na yan. Hindi pa ito ang tamang panahon (lakas maka aldub. hahahahahaha)
Kasi naman e, kung hindi bulok ang management at kung competent lang sana yung mga namamalakad dyan e hindi maiisipan ng mga empleyado nyong lumayas at lumipat sa mas magandang kumpanya. Kung nakikinig lang kayo sa kanilang mga hinaing edi sana nagtagal pa ako sa kumpanya. Hinding hindi ako nagsisising lumayas, at masaya ako dahil ayon sa friend ko ay ako pa nga daw ang nagsilbing role model at isa sa naging motivation nila para lisanin ang kumpanya. Kinda overwhelming though. Makahanap man sila ng bagong empleyado, I doubt kung magtatagal din ang mga yan. Sa ganyang klase ng palakad, baliw na lang ang magtatagal sa kumpanya nyo!
Bwisit kayo!