Monday, June 13, 2016

First day of Classes!

Kung may Friday the 13th e meron din naman tayong tinatawag na Monday the 13th. Diba? I'm sure nakakarelate ang mga kabataan natin dahil balik eskwela na naman ngayong June 13. Kung ang ibang estudyante ay excited dahil sa pagbubukas ng eskwelahan e may iba ding may hang over pa sa summer vacation at tila gusto pang iextend ang bakasyon kahit ilang araw lang.



It has always been a nightmare for me everytime school starts. Bata pa lang ako ay nocturnal na talaga ako. Ewan ko ba kung bakit ganito ako. I have always been a night person and I am a type of person who hates mornings. The thought that I have to sleep early and wake up at 5-6 am in the morning is just torture! Sumasakit ang ulo ko sa alarm clock and I had wished classes started in the afternoon. Buti na lang at wala na ako sa stage na yan pero may mga bagay pa rin na nakakamiss lalo na pag unang araw ng klase.

Syempre meron tayong mga close friends sa school. Lumaki ako sa dekada kung saan hindi pa masyadong advanced in terms of technology. I am talking about late 90's until early 2000's. May cellphone nga, pero mga mayayaman lang ang afford magkaron ng cellphone nung araw. May computer nga, kaso wala namang Facebook at Twitter noong araw at kung may internet man, accessible lang ito sa mga computer shops na ilang sakay pa ng tricycle ang layo mula sa bahay namin. My point is, hindi constant ang communication ng mga close friends mo sa school, so of course, there's a lot of catching up to do. Kumpara ngayon na may mga smartphones na at nakakapagcommunicate na sa mga kaibigan in an instant. Pag nagkikita kami ng mga kaklase ko lalo na pag unang araw ng pasukan, talagang kwentuhan at tawanan to the max!!! Nakakamiss!

Isa pa sa mga nakakamiss ay yung mga teachers. I love teachers! May mga iba, terror at winiwish mo na sana hindi mo maging teacher, pero merong iba na love na love natin talaga! Favorite subject ko noon ang Math. Kahit anong Math, mapa Algebra, Trigonometry, Analytical Geometry, Physics, nageexcel ako. Pero kung paborito kong teacher ang ating pag uusapan, ang English teacher ko nung high school ang pinakapaborito ko sa lahat. English was a boring subject for me and I really hated reading a lot and writing compositions about the reactions of what you've read. Yung mga ganung activities, nakakastress! Kakaiba kasi ang English teacher ko, hindi lang puro English grammar at vocabulary ang itinuro nya. Mga life lessons na talagang babaunin mo hanggang sa iyong paglaki ang itinuro nya sa amin. Mga bagay na maaapply mo sa araw araw na buhay. Sa totoo lang, ano nga bang natutunan ko sa mga math subjects ko? Siguro, analytical thinking, pero mas matimbang pa rin yung mga life lessons na natutunan ko sa kanya. Sa kasawiang palad ay pumanaw na sya a year ago but her memory still lives on because of the lessons she had taught us.

Of course hindi ko pwedeng kalimutan ang baon! Hahahahahaha! Excited ang mga estudyante natin dahil meron na naman silang matatanggap na allowance mula sa kanilang mga magulang! Sagana ang school namin sa mga panindang pagkain. May masarap na lumpia, may Milo shake, mga kakanin, chichirya, ulam, etc. Pag unang araw ng pasukan syempre may mga new classmates. Bagong pakisamahan na naman, at sa pamamagitan ng sharing ng mga pagkain e naipapakita mo yung pakikisama mo.

At hindi mawawala si crush! Hahahahahaha!

Back to reality na naman tayo mga bagets. Welcome back to school!