Matapos ang dalawang taon kong paninilbihan sa call center company na pinapasukan ko, sa wakas ay makakalaya na ako sa mga di makataong patakaran na iniimpose nila sa aming mga ahente. Matagal na rin akong kating kati na lumayas sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Maraming kapalpakan mula sa clients, hanggang sa management, at tila hindi ko alam kung may career path nga ba ako, o kung may patutunguhan nga ba ang pagtatrabaho ko sa kumpanyang yon.
I wanna say the reasons why I resigned but I can definitely tell you what my reasons are in my upcoming blog posts.
In all honesty, I see my job as a means of making money, saving a fraction of it, and spending the rest. Nakaipon din naman ako ng pera sa pagtatrabaho ko sa BPO company na yan at sa tingin ko naman ay sapat na ang experience na aking nakuha para mapursue ko talaga ang bagay na hilig kong gawin. Which is also one of my problems. I don't see anything that I can do better apart from delivering the best customer service as possible, and at the same time, teaching. Yeah, I taught students before but it gave me very little income at ni piso ay wala akong naipon sa pagtuturo.
So I decided to try my luck in the freelancing industry. Ang buhay ng isang freelancer ay mahirap. Though hawak mo ang oras mo, at meron kang kalayaang gawin ang mga bagay na gusto mo sa iyong libreng oras, ang stability ng trabaho ang isa sa mga malalaking issues sa mundo ng freelancing. Swerte mo na lang pag ika'y nakahanap ng employer na established online, ibig sabihin e pag natapat ka sa employer na matagal na sa indstrya ng freelancing, malamang e limpak limpak na salapi ang kaya mong kitain pag maayos nga lang ang mga outputs na ipinapakita mo sa iyong online employer.
Sa ngayon ay nag uumpisa pa lang ako at kaliwa't kanang proposals ang pinapadala ko sa aking mga prospective employers. Kelangang ibenta mo ang iyong sarili (walang elemento ng human trafficking ok?) sa kanila, ipakita mo na kaya mong gampanan ang mga tasks na ibibigay ng mga employers, at kung may skills ka na maipagyayabang e ipush mo na para mamangha sila. Sa ngayon, yan lang ang tips na pwede kong maibahagi sa mga kapwa ko freelancer na naguumpisa pa lang sa freelancing industry.
Sa ngayon ay masaya naman ako sa aking kinalalagyan. Wala na akong iisipin pang mga metrics na kelangang i-attain para hindi masisante sa work. Hindi ko na iniinda ang matinding trapik sa lansangan sa pagpasok ko sa trabaho. Hindi na ako nasisikatan ng araw dahil nasa loob na lang ako ng bahay nagwowork (para naman lalo akong pumuti, hahahahaha.) Nagresign man ako, pero masaya ako dahil hawak ko ang aking oras, at may oportunidad akong kumita ng pera na direkta sa mga clients ko online.
Kung sakali namang hindi maging successful ang freelancing career ko, edi babalik ako sa pagtatrabaho. Marami namang kumpanyang malapit sa tinitirhan ko at may work experience din naman ako. Hindi ko na kelangan pang mag-effort na patunayang capable ako sa pagtatrabaho dahil alam kong magaling ako. (confident!)
Yan ang tunay na baklutay!