Thursday, June 16, 2016

ALDUB, laos na?

Kinabaliwan ng sambayanan ang love team na AlDub dahil sa kakaibang chemistry na ipinakita nila sa Philippine TV. Halos mag-iisang taon na rin simula ng mag umpisa ang AlDub fever na kinabaliwan ng napakarami nating kababayan sa Pilipinas at sa iba't ibang panig ng mundo. Wala ring dudang sumikat sila ng todo dahil nakamit nila ang pinakamaraming tweets sa kasaysayan ng social networking site na Twitter na inacknowledge mismo ng may-ari ng nasabing website.




Kakaibang kilig ang hatid ng loveteam na ito lalo twing Sabado sa nangungunang noontime show na Eat Bulaga kung saan maraming tao ang walang pasok sa trabaho at eskwela at may time manood ng TV. Hindi natin pwedeng makalimutan ang mga nakakakilig na eksena sa Kalyeserye kung saan nakapiling din natin sa pananghalian ang tatlong lolang sina Nidora, Tinidora, at Tidora. Mga karakter na ginampanan nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Sina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga pangunahing karakter sa Kalyeserye at sila ang pinag-usapan ng husto san mang umpukan at sa iba't ibang website sa internet sa second half ng taong 2015. Ang TV Special din na pinamagatang "AlDub: Ang Tamang Panahon" ay tinaguriang pinakamalaking event sa Philippine TV ng taong 2015. Walang dudang narating ng love team na ito ang tugatog ng tagumpay sa tulong ng mga fans na sumusuporta sa kanila.

Pero sa pagtatapos ng TV Special na "Ang Tamang Panahon" ay tila unti unting nawawala ang kinang ng bituin ng AlDub, ayon sa mga masugid na viewers nito. Nawala na daw kasi yung thrill ng panonood ng Kalyeserye at tila naging tipikal na lang na "teleserye" ang ganap twing mapapanood sila sa TV. Ayon sa mga viewers ay mas mabuti pang hindi sila nagkikita in person at mas mabuti pa yung mga panahong nagkikita ang love team sa pamamagitan ng "split screen" dahil mas nagiging exciting ang mga kaganapan sa Kalyeserye. Bilang manonood ng Kalyeserye, napansin ko rin ito and somehow, I agree with the viewers' sentiments. Napansin ko na matapos ang pagkikita nila sa Philippine Arena ay unti unting bumaba ang ratings ng Eat Bulaga, pero hindi pa rin sapat yon para matalo ng kabilang programang It's Showtime kung ratings at ratings din lang ang pag-uusapan! Excuse me noh, sa dami ng viewers ng Eat Bulaga (kabilang na ako) hinding hindi ko pagtyatyagaan ang noontime show na pinagbibidahan ng isang baklang kabayong nagtitiwarik on national TV makakuha lang ng mataas na ratings! Hahahahahahaha!

Sa ngayon ay hindi ko naman masasabing nalaos na ang AlDub. Kung popularity ang pag-uusapan ay kilala pa rin naman sila ng tao. Siguro ang nabawasan lang e ang viewership o yung mga bilang ng mga taong nakatutok sa segment ng noontime show ng GMA. Aba, tignan nyo naman ang mga TV advertisements, AlDub ang endorser sa halos lahat ng mga produkto twing commercial gap. Ganyan ba ang laos?

At tsaka, hindi naman siguro magkakamovie ang AlDub kung laos na nga talaga sila, gaya ng mga inaassume ng mga mapanirang Kapamilya fans.

3 comments:

aldub4ever said...

hahahaha. kala ko sinisiraan na ang aldub e. aldub fan din pala ang author ng blog na to!! hahahahay! love it!!!

Unknown said...

No one has the right to judge kung laos ang ALDUB o hindi. Ang sabihin nyo marami ang nalaos nung lumabas ang ALDUB..kasi halos lahat ng endorsement kinuha na nila. So nawalan ng trabaho yung iba kaya walang magawa walang project kaya naging bashers na lang.. masasabi ko manahimik na lang kayo kasi sa ginagawa nyo mas lalong sisikat ang ALDUB kasi pinaguusapan nyo.. God knows how talented these people are at tatagal sila sa industry. GO GO ALDUB GOD BLESS YOU

Baklutay said...

Gabby, binasa mo ba ang article? O jinudge mo agad ang article base sa title nito? Shunga lang?