Tuesday, May 31, 2016

Pagtatapos ng Summer

Summer. Ang salitang kinasasabikan ng mga mag-aaral. Summer ang panahon kung kelan malaya sila mula sa mga gawain sa eskwela, mga homework, projects, etc. Ito ang panahong nakakapagbakasyon sa iba't ibang lugar ang ating mga bagets at kung kelan nakakapagbabad sila sa beach. Pero para sa mga walang budget, syempre, staycation at pa-Facebook Facebook na lang diba? Apparently, ito rin ang panahon kung kelan matindi ang sikat ng araw at napakainit ng klima.




 Tuwing May 31, or a few days before May 31, nagaganap ang kaliwa't kanang mga end of summer parties sa mga resorts, at kahit saang lugar na pwedeng magtipon tipon ang mga tao para magsaya. Which reminds me of the recent Closeup Summer Party which turned out to be a very tragic even as a number of people died in the said event. Kung anuman ang dahilan, hindi ko masyadong nakuha yung mga details, but I think it was drug related so kung gusto nyo pa ng details e may kalaayaan naman tayong gumamit ng Google.


Tandang tanda ko nung ako'y nasa aking childhood stage. Nakikipaglaro ako sa aking mga kapitbahay. Kung anu ano na lang ang mga larong naiisip namin. Nariyan ang patintero, tumbang preso, habulan, base to base, etc. Pero pagsapit ng dilim, dahil pagod na sa kakatakbo at kahit na basang basa na ng pawis ang likod, pumupunta kami sa isang damuhan sa village namin at dun sa damuhang yon kami nagkekwentuhan ng kung anu anong mga bagay, may katuturan man o wala. Pero ang madalas na nagiging paksa ng aming mga kwento ay tungkol sa mga kahilahilakbot na mga napapanood namin sa telebisyon at yung mga horror stories. I don't know but we always found pleasure of sharing scary stories.

At ang eksena pag uwi sa bahay? Paghuhugasin ako ng paa ng aking madir nung sya ay nabubuhay pa dahil napakadumi ng aking paa gawa ng pakikipaglaro sa mga friendships ko nung ako'y bata pa.

Ang sarap lang sariwain ng mga araw na nagdaan, kung kelan wala ka pang iniisip na bills na babayaran, yung time na wala kang ibang iniisip kung ano ang mga larong lalaruin mamayang hapon, yung mga ganun. I guess it's just being part of an adult, and I've reached the status of being a matured individual.