Habang tinitipa ko sa keyboard ko ang blog post na ito ay tapos na ang halalan ngunit ramdam ko pa rin ang election fever sa mga sandaling ito. Hindi pa rin natatapos ang bilangan at higit na inaabangan ng sambayanan ang pagpoproklama sa baging bise presidente ng Pilipinas.
Bago ang lahat, nais ko munang icongratulate si President Rodrigo Duterte bilang bagong pangulo ng Pilipinas! Ang tagumpay ni Digong ay tagumpay ng sambayanang Pilipino at patunay lamang ito na napakaraming Pilipinong uhaw na uhaw na sa pagbabago.
Ang napansin ko ay ang mas moderno at organisadong eleksyon. Kung noong nakaraang mga dekada ay inaabot ng linggo hanggang buwan ang pagdedeklara ng mga nanalo, ngayon iba na. Oras lang ang binibilang ay naipoproklama na ang mga panalo, lalo na sa mga positions gaya ng Mayor, Gobernador, Konsehal, etc.
May mga aberya man akong nabalitaan pero hindi yun naging dahilan para magdeklara ng failure of elections, which is the worst case na pwedeng mangyare.
Mabalik tayo sa Vice Presidential race! Jusko teh!!!! Nawindang ang lola nyo sa mga sudden turn of events nitong mga nakalipas na dalawang araw. Technically ay dalawang tao na lang ang naglalaban laban sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa, in terms of numbers. It's a battle between Robredo and Marcos at tila isang teleseryeng inaabangan ng sambayanan kung ano ang magiging outcome nito.
May mga ispekulasyong si Leni Robredo daw ay nandaya at may mga dagdag bawas daw na naganap ayon na rin sa mga issue na kumakalat sa Facebook. Na sinadya daw talaga na ipanalo si Leni Robredo ng Liberal Party para masabotahe ang administrasyong Duterte. May mga sabwatang nangyayare sa pagitan ng Comelec at ng administrasyon Aquino.
Hinihintay pa rin ang mga OFW votes na posibleng magpabago sa ranking ng dalawang naglalaban laban sa pagkabise. Balita ko ay malakas si Marcos sa mga kababayan nating OFW kaya malaki ang chance na makahabol sya.
Bilang supporter ni Marcos, hindi rin ako makapaniwala sa resulta ng bilangan ng Bise Presidente. Marapat lamang na magkaron ng manual recount nang sa gayon ay mabigyang linaw kung sino nga ang tunay na nanalo, at kung sino man sa dalawa ang manalo ay buong puso naming tatanggapin ang desisyon ng sambayanan. After all, yan naman talaga ang essence ng demokrasya, ang malayang pagpili ng karapat dapat na lider ng bansa.
No comments:
Post a Comment