Sunday, May 15, 2016

Manny Pacquiao and the rise of the "Bobotantes"

Punyeta!

Yan ang masasabi ko mula nung nabalitaan kong pasok sa top 12 elected senators ang atletang si Manny Pacquiao.

Inaasahan kong magbabago na ang mga botanteng Pilipino. Inaasahan kong magiging matalino na sila sa pagpili ng mga taong gagawa ng mga makabuluhang batas para sa kabutihan at kaunlaran ng ating bansa. Inaasahan kong ang makabagong henerasyong Pilipino ay susuriing mabuti ang plataporma ng mga kumakandidato sa eleksyon, at kung anuman ang achievements nila. Track record kumbaga.

Ngunit, bigo ako. Narealize kong ang tatanga pa rin ng karamihan sa mga Pilipino pagdating sa pagboto ng mga lider. Nuknukan pa rin pala ng kabobohan!

I mean, masaya akong nanalo si President Duterte dahil gusto ko ang plataporma nya lalo na sa aspeto ng Federalismo. Sa pagkabise naman, nangunguna si Leni Robredo sa partial at unofficial counts ng Comelec. Si Bongbong Marcos ang bet ko dahil naniniwala akong magiging bongga ang pagbabago sa tambalang Duterte-Marcos. Mamaya ko na ookrayin si Tyang Leni dahil hindi sya ang main concern ko sa mga oras na ito.

So mabalik tayo kay Manny Fuckquiao. Abot hanggang stratosphere pa rin ang galit ko kay Manny Pacquiao since kumalat sa social media ang video nya tungkol sa mga LGBT. Humingi man sya ng apology pero batid kong hindi taos sa puso ang paghingi nya ng apology.  So uungkatin ko na naman ang issue ng nakaraan!

Ikinagalit ko ang mga sinabi nya na kaming mga LGBT ay "masahol pa sa hayop." Hindi raw marunong kumilala ang mga LGBT ng kasarian at mabuti pa raw ang mga hayop kasi ayon sa kanya, mas marunong kumilala ang mga hayop ng lalake at babae. Na alam daw ng mga hayop na ang lalake ay para sa babae and vice versa.

Napakatonto at ignorante!


May mga pag aaral kasi sa siyensya na hindi lang exclusive ang homosexuality sa mga tao. May mga ebidensya ang syensya na pati ang mga hayop ay may homosexual tendencies din. May malaking role ang genetics sa ganitong usapin, kaya kung wala kang alam (na talaga namang wala kang alam kasi nga ang alam mo lang ay makipagbasagan ng muka) e sana nanahimik ka na lang at di yung ipinamalas mo pa ang kabobohan mo sa madla. Jusko!

Kung anong kinatigas ng muka mo, syang kinalambot ng utak mong sing lambot ng pandesal nyeta ka!

Manny Fuckquiao, kahit magsorry ka pa ng ilang beses, magkakanyebe sa kapatagan ng impyerno bago kita mapatawad! Ewan ko ba kung bakit hirap akong patawarin ka. Kasi hindi lang naman ako ang naapektuhan sa mga sinabi mo, at hindi lang ang mga kabaro ko ang apektado sa mga estupido mong mga kumento tungkol sa LGBT. Apektado rin pati na ang mga mahal namin sa buhay na nagpalaki sa amin. Tandaan mo ni minsan hindi mo kami napakain at wala kang naiambag sa akin, bagkus kaming mga LGBT ay may ambag sa sinasahod mo sa Kongreso sa kabila ng pagiging absent mo at sa kabila ng pagiging iresponsable mong Congressman kaya ano na nga pala ang nangyare sa lugar na nasasakupan mo aber? Umunlad ba? Waley diba?

Kayo namang mga bumoto dyan sa mukang unggoy na yan, matanong ko nga kayo, ano bang meron sa kanya at naisipan nyong iboto sya, ha? Una sa lahat, marunong ba talagang gumawa ng batas yan? Marahil ang tingin ni Manny Pacquiao sa Senado ay isang napakalaking charitable institution na dadagsain ng mga maralita nating mga kababayan para humingi ng tulong para matustusan ang pangunahin nilang pangangailangan. Excuse me, Mr. Pacquiao, the Senate of the Philippines is a place where laws are being made, and passed, kung waley ang batas, hindi ito maipapasa. Manny Pacquiao, hindi PCSO ang Senado kaya itigil mo ang kahibangan mo. By doing that, you're giving citizens fish, instead of teaching them how to fish. Alin nga ba ang mas importante?




Pangalawa, he garnered lots of votes basically because he is an icon. Popular! Para syang isang branded na sapatos, kilalang kilala hindi lang dito sa Pilipinas, maging sa iba't ibang bahagi ng mundo. He garnered a lot of votes basically because of his popularity and nothing else, and this is what disappoints me. Basehan pa rin pala ang popularidad sa paghalal ng mga kandidato? My god! 2016 na po tayo! Akala ko ba tumalino na ang mga botante natin, bakit ganito ang naging outcome?! I mean, with the rise of social media, siguro naman mabibigyan ng chance ang mga "unknown" candidates na mailahad ang kani kanilang mga plataporma.

 I can sense na wala kang maipapasang batas Manny Pacquiao dahil unang una wala kang alam sa batas. Ikaw pa nga yata ang magiging balakid sa binabalak ni President elect Rodrigo Duterte na ipasa ang anti discrimination law. Kasi galit ka sa bakla. Para kang si Noynoy na gagawa gawa ng batas kunwari pero hindi maipapasa, dahil pareho kayong utak pandesal. Pinagkaiba nyo lang, malago buhok mo, panot sya! Pero wala kayong pinagkaiba in terms of incompetence!



It's a tie!

I can sense that you have a hidden grudge towards the members of the LGBT! Ano bang naging kasalanan namin sayo? Nahada ka na ba ng bakla noon? Ano ba kasi ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa amin? Kung meron man, sabihin mo, pag usapan natin, hindi yung magbibitiw ka ng mga salitang

Ano kayang magiging eksena sa susunod na eleksyon? Manny Pacquiao tatakbo bilang Presidente ng Pilipinas?

Stop it, please. I don't want the Philippines to be a laughing stock on planet Earth!

I couldn't blame Pacquiao entirely for his victory. His dumb, stupid supporters are a bunch of dimwits for voting someone based on popularity! Bobotantes have risen, and I hope this would be the last time.

Dahil kung hindi, magiging katawa tawa na naman ang Pilipinas sa international community.

Manny Pacquiao for President? Asa ka pa, Manny Pakyou!