Sunday, May 29, 2016

Mga Nakakairitang NBA Bandwagoners!

It's the time of the year again when most Filipinos suddenly become a fan of NBA kahit na wala naman silang alam sa basketball at wala naman silang alam sa mga basketball teams na kalahok sa naturang basketball game. Personally, wala akong kaalam alam tungkol sa basketball syempre kasi hindi naman ako naglalaro nyan. I never liked and will never like basketball, and the reason? I just don't like it. Hindi ko feel. Kung manonood man ako ng basketball, sa mga nagagwapuhan at mga nagtatangkarang mga players lang nakatuon ang aking atensyon (ang lantod!)

Bata pa lang ako ay hindi na talaga ako inclined sa mga sports na yan (in general) dahil ni minsan e wala talaga akong ganang sumali sa mga palaro, lalo na sa school. Ang alam kong mga activities na sinalihan ko noon ay mga general information quiz at mga essay writing contests. Naaalala ko noon na ineencourage pa ako ng aking madir na sumali sa mga sports at extra curricular activities sa paaralan, pero mas focused ako sa pag-aaral at kung wala namang dapat pag-aralan e sa mga kaibigan ko na kapitbahay ko at the same time ako pumupunta at nakikipaglaro gaya ng patintero, habulan, etc. Hindi naman sa outcast ako nung ako'y bata, it's just that, I preferred playing with a small group of kids. Yun bang tatlo hanggang anim lang kaming naglalaro. Well anyway, it's more of my personality side that I'm talking about here at medyo nalilihis na rin ako sa topic na dapat kong isulat ngayon!



So, let me get things straight. I am totally annoyed with NBA Bandwagoners. You know who they are? Sila yung mga non NBA/basketball fan na sa isang iglap e bigla na lang nagiging fan lalo na pag NBA finals season na! Yun bang nakikiride on sila kung ano sa tingin nila ang uso sa NBA, kung ano ano yung mga teams na malamang sa malamang e never talaga nilang alam. Nalaman lang nila nung sinimulan na nila ang "bandwagoning". These group of people suddenly become fans overnight when a particular basketball team performs well in the game. Napapansin ko to lalo na sa mga "social climbing" Filipinos na ayaw na ayaw napagiiwanan sila. Na kelangan up to date din sila sa mga bagay na kinaaaliwan ng mga legitimate elite/rich people, para naman at least maramdaman din nila kung pano nga ba talaga umasta ang tunay na rich, at kung anu ano ang pinagkakaabalahan ng mga tunay totoong mayayaman sa kanilang free time. Aasta silang kala mo marunong sa NBA at alam ang lahat ng rules ng game, para sabihin ng mga taong "ayyy, NBA fan. Sosyal!"

Of course I'm not saying that watching NBA and becoming a fan of it are hobbies of the rich/elite people, it's just that, many Filipinos, who have very little knowledge about NBA games, tend to jump the bandwagon, and I mean what annoys me, is when they gather around, congregate in a particular area where there is a television and a live NBA finals game is being shown, these bandwagoners jump and scream for joy as if they know who they're screaming and yelling for. As if they've got any clue the name of the person they're cheering for if let's say that person scores a 3-point shot.

Kakastress!!



Another instance is in the workplace. Yun bang feeling na ikaw ay walang alam sa NBA at yung mga kasamahan mo sa trabaho ay never namang napag-usapan ang NBA for once, tapos bigla na lang magkakaron ng topics about the NBA finals brouhaha, OKC, Golden State crapshit at kung anu ano pang terminologies na jargon para sakin. Yun bang mag-oopen up sila ng topic tapos may ganitoong eksenang sasabihin ni Employee A "OMG I can't wait for the NBA finals" tapos agad namang tutugunan ni Employee B na "Yeah, which team you're rooting for to win?" sabay sasagot si Employee A "MEEE-YA-MI heat." "Oh yeah, I like their team too." End of conversation, kasi wala na silang ibang masabi pa kasi ni isa sa mga players hindi nila kilala.

Dumbfuck, it's not MEE-YA-MI by the way, it's MAH-YAE-MI. That's how you pronounce the word Miami. (kasi kung nanonood ka talaga ng NBA ay hindi ganyan ang pagkakabigkas mo ng salitang Miami, nyeta ka!)

 And after the NBA finals game, guess what, the bandwagoning festivities just naturally die down, and everyone begins to forget about the NBA, as if nothing happened after all the screaming and yelling. These NBA bandwagoners will become NBA fans again once the NBA finals season begins, and will then cheer for a basketball team they've never heard of.

To sum everything up, may karapatan kang makisabay sa uso ng NBA kung alam mo ang laro ng basketball, kilala mo ang mga teams at members na kalahok nito, kung alam mo ang sistema ng games ng NBA, at kung ikaw ay talagang hardcore basketball fan.

Kasi kung ikaw ay isang hamak na bandwagoner lang e pampasira ka ng araw.