Sunday, June 19, 2016

"Lumayas kayo, mga Filipino nurses!"

Kalat na kalat ngayon sa mga balita ang hindi pag apruba ni President Noynoy Abnoy Aquino sa panukalang magpapataas ng sahod ng mga nurses sa Pilipinas. Ayon sa consolidated House Bill no. 6411 and Senate Bill No. 2720, pag ito ay ginawang batas ay aabot sa halos 25,000 pesos ang magiging sahod ng isang Filipino nurse. Kung ating iisipin, disenteng sahod na ito at sapat na para mabuhay at mapakain ang isang pamilya, pero dipende pa rin yan sa pangangailangan.



Hindi ito inaprubahan ng pangulo nyo dahil daw sa maaaring idulot na mga financial implications at mga cases tulad ng downsizing ng mga hospitals. Bukod dito ay maaapektuhan daw ang health sector ng gobyerno financially. Wage distortion daw sabi ng pangulo nyo ang maaring mangyare, hindi lang sa mga health professionals pero pati na rin sa ibang mga professionals sa gobyerno.

Jusko ha. Sa laki ng ibinabayad na tax ng mga taxpayers, bat di magawang isubsidize ng gobyerno ang mga pasahod ng mga nurses? Oo, malaki ang magiging implikasyon nito, pero kung iisipin nyo, ang dami namang budget na inaallocate ng gobyerno sa mga walang kakwenta kwentang bagay diba? Bakit hindi na lang iallocate yung ibang budget sa healthcare kasi mahalaga ito dahil buhay ng tao ang nakasalalay dito e. At kayo mismong mga taga gobyerno ang naguudyok sa mga nurse na manatili sa Pilipinas para pagsilbihan nila ang ating mga kababayan, imbes na lumipad sa ibang bansa para magpaalila sa mga foreigner. Gustuhin man nilang manatili dito, pero mamamatay sila sa gutom dahil sa kakaramput na pasahod ng mga nurses and at the same time they are overworked.

Hindi ako nurse, pero marami akong kakilalang nurse at mahirap ang trabaho nila. Pero hindi mabigyan ng gobyerno ng hustisya ang kanilang pagod at sakripisyo. Noynoy, hanggang sa mga huling araw ng iyong panunungkulan, sakit sa dibdib ang ibinigay mo sa mga Filipino nurses. Pinag-isipan mo ba talaga ng mabuti yang desisyon mo? Kung san san kasi napupunta yung mga budget ng gobyerno, hindi ko na kailangan pang sabihin dahil obvious naman kung san ang patutunguhan ng mga buwis namin. Buwisit ka!

Marahil ay hindi na mababago pa ang desisyon ng pangulo nyo. Kaya kung may aangal man sa inyong mga Filipino nurses, asahan nyong ang sasabihin sa inyo ng pangulo nyo "magsilayas kayo dito sa Pilipinas."

Tama, kung nasaan ang oportunidad, push nyo yan. Wala kayong mahihita dito sa Pilipinas kundi puro hirap at dusa. Hangga't nakaupo sa pwesto yang pangulong Noynoy nyo, wala kayong mapapala dito.

Mabuhay kayo mga kababayan kong mga nurses!

Friday, June 17, 2016

OPEN Letter to Noynoy Aquino : The Worst Philippine President

Dear Noynoy,

OMG. As in Ow---Emmm----Geee! Ilang araw na lang and finally, the Filipinos will breathe a sigh of relief knowing that you will soon step down from the MalacaƱang Palace, Noynoy Aquino! Sa wakas ay bababa ka na rin sa pwesto bilang pangulo ng Pilipinas matapos ang anim na taong pagtitiis ng aking mga kababayan. Anim na taon na pahirap sa mga ordinaryong mamamayan. Anim na taong mayayaman at kapitalista lang ang nakinabang sa iyong panunungkulan, syempre kasi panig ka sa kanila at wala kang pake kahit maghirap ang mga ordinaryong mamamayan ng iyong bansa. Pero naging pangulo ka nga ba sa karamihan? O isa ka lang joke sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ibinoto ka lang ng mga tanga at bobong Pilipinong botante dahil sa simpatya nila sa pamilya mo noong namatay ang ina mong si Cory? Kakaloka!



I don't think you'll leave a legacy in Philippine History. Kung meron man, you will be remembered as a leader who is an all time champion of blame games and credit grabbing. That's right. Isinisisi mo sa iba ang kapalpakan ng iyong administrasyon at kapag may achievements ka naman (yun e kung meron man) e sinosolo mo lahat at inaangkin mo ang lahat ng credit. Dyan ka magaling diba? Pag may kapalpakan ka isinisisi mo sa administrasyong Arroyo. Pag may nangyayaring masama, kasalanan ni Gloria. Lahat na lang kasalanan ni Gloria. Ano ka ba naman?! Noynoy, hinalal ka ng mga mamamayang Pilipino sa pinakamataas na posisyon ng bansa. Did you ever, even once, take accountability for your actions? Have you ever had this sense of accountability? I doubt it! Kulang na lang ay isisi mo ang pagkapanot ng iyong ulo sa GMA administration letche ka! Kasi kung meron man, hindi ka magchachampion sa paninisi mo sa Arroyo administration, na walang dudang mas maraming achievements na naachieve kesa sa bulok mong administrasyon!

And have I mentioned credit grabbing? Yes. Bakit hindi totoo? Gaya ng sabi ko, whatever Noynoy administration's achievements are, are the Gloria Macapagal Arroyo administration's fruits of labor. The economic and institutional reforms began with GMA, and her being an economist, she knew that the reforms will benefit the citizens of this country on a long term basis. Ganyan kasi ang mga tunay na lider, Noynoy. They think long term. Maaaring hindi naramdaman ang mga epekto ng reform ni former President GMA na kanyang ginawa, pero tignan nyo naman ngayon ang ating ekonomiya diba? Kahit naman papano ay mataas ang ating confidence when it comes to purchasing at dahil sa dami ng international firms na inimbita ni PGMA dito sa ating bansa para mag invest noong sya ay nanunungkulan ay marami tayong kababayan ang nabiyayaan ng kabuhayan gaya na lang ng mga BPO companies kung san ako nagtrabaho for 7 years at ang mga manufacturing firms, ilan lang yan sa mga halimbawa. Marami ring napatayong mga imprastraktura itong si PGMA bago pa man sya bumaba sa pwesto noong 2010, at ang mga imprastrakturang ito ay natapos sa administrasyon mo Noynoy. Kaya nang matapos ang mga imprastrakturang ipinagawa ni PGMA ay agad mo namang inangkin ang mga yon at sinabi mong ikaw ang may gawa ng lahat ng yon. Kaputanginahan mo!

You're such a compulsive lying credit grabber! Nakakahiya ka!

Punong puno ka rin ng galit sa mga kalaban mo sa pulitika, kaya hindi mo rin masisisi kung bat punong puno ng galit ang blog post kong ito. Lahat na lang ng kalaban mo sa pulitika ay pinaaresto at pinakulong mo kahit na ang mga ibinibintang mo sa kanila ay walang sapat na ebidensya na magpapatunay sa mga krimeng kine-claim mo na ginawa nila. Sa dami ng mga kasong laban kay Gloria na ibinasura ng korte, hindi pa ba sapat yon na patunay na wala talaga syang kasalanan ha? Isn't it enough proof that Gloria is innocent, at kaya mo lang sya pinaaresto ay dahil sa personal na galit mo sa kanya? You are the first president, not just in Philippine history, but in WORLD history na nakilala kong may pagka spoiled BRAT! Ano nga bang napala ng mga tangang Pilipinong bumoto sayo sa iyong personal vendetta kay Arroyo? Wala diba? Hanggang ngayon, gutom pa rin sila, at hindi magtatagal ay mamamatay na nakadilat ang mata dahil sa gutom! Had you focused your attention to economic reforms, we would've achieved a higher GDP rating, baka nga maungusan mo pa ang GDP rating na naachieve ni Gloria. Pero dahil palpak ka, isip bata ka, retarded ka, at putanginaka, wala namang nahita ang mga ordinaryong mamamayan sa mga plataporma mong paghihiganti sa iyong mga kalaban. It's just an unequivocal proof of your failure as a leader of this fucked up country!

Wala ka ring malasakit sa mga kababayan mo. Ang iniisip mo lang ay ang kapakanan mo, ng pamilya mo, ng Liberal Party mong kinabibilangan ng mga demonyo mong kaibigan, kamag-anak, at kabarilan, at ang mga kapitalista at oligarchs. Aber, kung may malasakit ka, nasaan ka noong kasagsagan ng Yolanda? Nasa palasyo ka ba nang mga oras na rumagasa ang bagyo sa probinsya ng Samar at Leyte at nakikipaglaro ng XBox sa pamangkin mong si Joshua? O baka naman nakahilata ka pa sa kama mo at ayaw mong magpaistorbo at hinayaan mo na lang ang iyong mga kalihim na gaya mong pulpol din na umasikaso sa mga biktima ng bagyo? Kung may malasakit ka, imbes na makiramay ka sa mga kaanak ng mga SAF 44 Victims na pinaslang sa Mindanao noong 2015, ikaw ay nasa isang car plant opening sa kasagsagan ng arrival honors ng mga pinaslang na mga fallen heroes. Mahalaga ang presensya mo sa arrival honors na yon Noynoy, because you represent this country and because you were not there, it seemed like the Philippines did not honor them. Pwede mo namang icancel yun at iprioritize muna ang mga nagdadalamhating kaanak ng mga namatayan. Kung may malasakit ka, bakit hindi mo inaprubahan ang pagtaas ng benepisyo ng mga SSS Pensioners samantalang ang mga executives ng SSS ay palangoy langoy na lang sa salapi sa milyon milyon ba naman nilang komisyong natatanggap? Kung may malasakit ka, bakit hindi mo inaprubahan ang batas na magpapataas ng sweldo ng ating mga Filipino nurses dito sa bansa para naman magkaron ng maayos at disenteng healthcare ang Pilipinas, at hindi na nila maisipang mangibang bayan para magpa-alila sa mga dayuhan? Ilan lang yan sa mga patunay na wala kang ni katiting na malasakit sa ating mga kababayan. Matatapos na lang ang termino mong sira ulo ka, nag-iwan ka pa ng ikasasama ng loob sa mga Filipino nurses.



You are such a failure. Oo nga, pano ka matatawag na ama ng bansa kung ikaw mismo hindi kayang magkaron ng sariling pamilya sa edad mong yan kung kelan dapat ay may apo ka na! Walang babaeng nagtatagal sa pagkachildish at bratinella mo Noynoy malamang dahil sukang suka sila na ikaw ang naging boypren nila. Yung mga babaeng nagdaan sa buhay mo, sina Shalani Soledad at si Grace Lee, hindi na nila natiis at diring diri sila sayo kaya ka nga hiniwalayan diba? Hindi ka nila hiniwalayan dahil pangit ka o panot ka, pero ang pagkatao mo ang hindi nila matiis. Siguro naman ngayon narealize mo na kung bakit iniiwan ka ng mga babae mo, hindi ka naman siguro ganun katanga para hindi marealize ang dahilan. Sa pag uugali mong yan, tatanda at mamamatay kang binata. Maglaro na lang kayo ni Joshua tutal kayo kayo lang naman ang nagkakaintindihan! Hahahahahahahaha!





















At oo nga pala. Nanumpa ka sa bayan noong 2010. Hindi lang sa bayan kundi pati diyos dinamay mo sa kalokohan mong abnoy ka. Nanumpa kang hindi ka magnanakaw pero kaliwa't kanang mga alegasyon ng korupsyon ang sumambulat sa taumbayan lalo na nang maideklarang non consitutional ang PDAF o ang iyong pork barrel na nagkakahalaga ng 220 Billion Pesos. (source) Pork barrel na ginamit mo at ipanamudmod mo sa mga senador at kongresista para maconvict ang pumanaw na Chief Justice na si Renato Corona (which again, is a result of your personal vendetta.) Diba bribery ang tawag dun? Bribery is an impeachable offense, pati na yung PDAF at DAP kung san ikaw ang mastermind at may mga naghain ng impeachment complaint laban sayo, pero dahil kakampi mo ang mga buwaya sa kamara ay hindi sila sumang ayon na mapatalsik ka sa pwesto. Ikaw kasi ang sinasamba nilang diyos. Diyos ng mga magnanakaw! Anyway, bababa ka na rin naman sa pwesto, sad to say, walang balak si incoming President Duterte na magsampa ng kaso laban sayo well dahil hindi naman sya kagaya mong punong puno ng galit at paghihiganti ang puso. I'm sure sa pagbaba mo sa pwesto ay may magsasampa ng kaso laban sayo at wala ka ng ibang kakampi pa kaya ikaw na naman ang susunod na mabibilanggo panot ka! This time, hihimasin mo ang napakalamig na rehas and sadly, wala ng kalaro ang pamangkin mong si Joshua! Hahahahahahahahahaha!



Parang ang hirap ipagmalaki na ako ay Pilipino. Ayoko ng magpakaplastik pa, nahihiya talaga ako. Hindi dahil sa sense ng pagiging Pilipino, ito ay dahil ang pangulo ng mga Pilipino ay isang nakakahiyang nilalang. An inept, irresponsible president filled with anger in his heart. An epitome of incompetence. He's not my president since I didn't vote him. Six years of epic failure. That's how I describe the Philippines under your administraion! Pasalamat na lang talaga ako at hindi kita binoto. Pero salamat at bababa ka na sa Malacanang sa katapusan ng buwan at ang papalit na pangulo ay isang matino at may paninindigan! Don't you even dare run for a political position again. Nakakahiya at nakakasuka ka.

Very Truly Yours,












Ms. Baklutay

Thursday, June 16, 2016

ALDUB, laos na?

Kinabaliwan ng sambayanan ang love team na AlDub dahil sa kakaibang chemistry na ipinakita nila sa Philippine TV. Halos mag-iisang taon na rin simula ng mag umpisa ang AlDub fever na kinabaliwan ng napakarami nating kababayan sa Pilipinas at sa iba't ibang panig ng mundo. Wala ring dudang sumikat sila ng todo dahil nakamit nila ang pinakamaraming tweets sa kasaysayan ng social networking site na Twitter na inacknowledge mismo ng may-ari ng nasabing website.




Kakaibang kilig ang hatid ng loveteam na ito lalo twing Sabado sa nangungunang noontime show na Eat Bulaga kung saan maraming tao ang walang pasok sa trabaho at eskwela at may time manood ng TV. Hindi natin pwedeng makalimutan ang mga nakakakilig na eksena sa Kalyeserye kung saan nakapiling din natin sa pananghalian ang tatlong lolang sina Nidora, Tinidora, at Tidora. Mga karakter na ginampanan nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Sina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga pangunahing karakter sa Kalyeserye at sila ang pinag-usapan ng husto san mang umpukan at sa iba't ibang website sa internet sa second half ng taong 2015. Ang TV Special din na pinamagatang "AlDub: Ang Tamang Panahon" ay tinaguriang pinakamalaking event sa Philippine TV ng taong 2015. Walang dudang narating ng love team na ito ang tugatog ng tagumpay sa tulong ng mga fans na sumusuporta sa kanila.

Pero sa pagtatapos ng TV Special na "Ang Tamang Panahon" ay tila unti unting nawawala ang kinang ng bituin ng AlDub, ayon sa mga masugid na viewers nito. Nawala na daw kasi yung thrill ng panonood ng Kalyeserye at tila naging tipikal na lang na "teleserye" ang ganap twing mapapanood sila sa TV. Ayon sa mga viewers ay mas mabuti pang hindi sila nagkikita in person at mas mabuti pa yung mga panahong nagkikita ang love team sa pamamagitan ng "split screen" dahil mas nagiging exciting ang mga kaganapan sa Kalyeserye. Bilang manonood ng Kalyeserye, napansin ko rin ito and somehow, I agree with the viewers' sentiments. Napansin ko na matapos ang pagkikita nila sa Philippine Arena ay unti unting bumaba ang ratings ng Eat Bulaga, pero hindi pa rin sapat yon para matalo ng kabilang programang It's Showtime kung ratings at ratings din lang ang pag-uusapan! Excuse me noh, sa dami ng viewers ng Eat Bulaga (kabilang na ako) hinding hindi ko pagtyatyagaan ang noontime show na pinagbibidahan ng isang baklang kabayong nagtitiwarik on national TV makakuha lang ng mataas na ratings! Hahahahahahaha!

Sa ngayon ay hindi ko naman masasabing nalaos na ang AlDub. Kung popularity ang pag-uusapan ay kilala pa rin naman sila ng tao. Siguro ang nabawasan lang e ang viewership o yung mga bilang ng mga taong nakatutok sa segment ng noontime show ng GMA. Aba, tignan nyo naman ang mga TV advertisements, AlDub ang endorser sa halos lahat ng mga produkto twing commercial gap. Ganyan ba ang laos?

At tsaka, hindi naman siguro magkakamovie ang AlDub kung laos na nga talaga sila, gaya ng mga inaassume ng mga mapanirang Kapamilya fans.

Wednesday, June 15, 2016

NADINE Lustre, laglag na sa Number 2 spot sa FHM Ranking dahil sa kalosyangan?!

Nagulat ang mga Jadine fans sa balitang number 2 na lang sa Philippines' sexiest woman ang kanilang iniidolong si Nadine Lustre sa sikat na men's magazine na FHM. Si Jessy Mendiola na ang nakakuha ng number 1 spot at hindi ito inaasahan ng mga Jadine fans!



Kumalat kasi sa social media kamakailan na tutol ang real life boyfriend ni Nadine na si James Reid sa pagiging number 1 ng nobya sa rankings. Ayaw ni James na mapabilang si Nadine sa ranking siguro dahil ayaw ni James na ginagawang pantasya ng kalalakihan ang kanyang on screen partner.

Kahit ako ay nagulat nang makita ko ang pangalan ni Nadine sa rankings. I mean, bakit naman sya mapapabilang sa FHM? Parang ruler type ang katawan ng hitad sa sobrang straight! Hahahahahaha! At tsaka hindi ko kinakitaan si Nadine ng kaseksihan noh. Ang mukang losyang kagaya ni Nadine ay walang lugar sa FHM, yan ang tandaan nyo! Si Jessy, maaari, pero si Nadine? Never!

Gusto kong si Jennylyn Mercado pa rin ang magreyna sa FHM pero sa ngayon ay pangatlo sya sa ranking. Siguro naman panahon na para Kapamilya actress naman ang magreyna reynahan sa FHM noh. I mean, ilang taon na bang nilalampaso ng mga dyosa ng Kapuso network ang mga Kapamilya actresses pagdating sa paseksihan? Halos mag-iisang dekada na yata?

And again, bigyan natin ng chance ang mga Kapamilya losyang actresses! Hahahahahaha!


Tuesday, June 14, 2016

"Patayin ang mga Bakla"

Ang naganap na massacre sa isang gay bar sa Orlando, Florida USA ay itinuturing na pinakanakakagimbal na shooting incident sa kasaysayan ng Amerika. Ikinaloka ko ng bonggang bongga ang balitang ito dahil bilang miyembro ng LGBT ay hindi ko maiwasang maapektuhan lalo pa at mga kabaro ko ang mga naging biktima.

Hindi na bago sa Amerika ang mga shooting incidents. Nakakatakot tuloy tumira sa Amerika dahil sa mga ganitong incident ng pamamaril. Pero kakaiba ang nangyare sa Orlando massacre dahil sa isang gay bar nangyare ang krimen at ayon sa mga biktima ay may galit daw sa bakla ang killer. Kaloka! Ano kayang ginawa ng bakla sa kanya kaya ganun na lang ang galit nya? Malamang nahada sya o baka naman di nabigyan ng datung kaya skyrocketing ang galit ng mastermind sa krimeng ito. Hahahahahaha.

Kung anuman ang motibo ng killer, hindi pa rin katanggap tanggap ang ginawa nya at wala syang karapatang pumatay ng tao.



Ayon din sa mga ulat ng foreign media ay isang myembro ng ISIS ang killer. Syempre alam naman natin ang pakay ng ISIS, ang maghasik ng lagim at pumatay ng mga tao gamit ang mga pampasabog o baril sa ngalan ng kanilang diyos na si Allah! Jusko naman! I mean naniniwala akong may mga mababait na Muslim, at ang Islam ay religion of peace. Itong mga fundamentalist muslims kasi ang sumisira sa Islam kaya may mga taong takot makisalamuha sa mga muslim at may nageexist pa rin na diskriminasyon sa kanila. Ang killer daw ay nanumpa sa ISIS, yung tinatawag na "pledge of allegiance." Walang dudang may kinalaman ang grupong ISIS sa karumaldumal na krimeng ito. Ginagawa na ng Amerika ang lahat para mapulbos ang mga ISIS na yan pero tila hindi sila maubos ubos!

May mga hate comments din sa social media, lalo na sa mga Facebook news pages, mula sa mga netizens na makikitid ang utak, na mabuti daw at nangyare ang krimen at pinatay ang mga bakla. Imbes na makisimpatya sila sa nangyare e mukang natuwa pa sila dahil pinatay ang mga bakla! Gusto ko lang sanang sabihing hindi lahat ng pinatay sa krimeng yon ay mga bakla. May mga inosenteng nilalang na sa isang iglap ay pumanaw dahil sa kagagawa ng isang lunatic! Mga inosenteng nilalang na may mga pangarap sa buhay at pamilyang sinusuportahan. Hindi lang ang mga pinatay ang mga biktima sa naganap na krimeng ito, pati na rin ang mga naulila nilang mga mahal sa buhay. I am so disappointed na may mga taong natuwa pa sa kabila ng kamatayan ng mga inosenteng tao.

Even your God won't permit killing innocent people. LGBT are human beings. Kung hindi nyo kami kayang igalang bilang myembro ng LGBT, igalang nyo na lang kami bilang tao. Ipakita nyo naman minsan na makatao kayo.

O baka kagaya kayo ng bobong si Manny Pacquiao na ang tingin sa aming mga LGBT ay mga hayop? Marami kasing umiidolo sa kanya kaya ang virus ng kabobohan malamang ay kumalat na sa mga utak ng mga fans ni Pacquiao! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa primitive na pag-iisip!

To the families of the Orlando massacre victims, my deepest condolences.